"MAUREEN? Why are you packing your things? Where are you going?" inosente ngunit tila kinakaban na tanong ng bunso nang makita si Maureen nitong nag-iimpake ng mga gamit. Sasagutin niya na sana ang tanong ni Tyron ngunit paglingon niya ay tumakbo ito palayo. Napabuntong-hininga si Maureen. Sa awa ng Diyos, naging maayos na ang kaniyang anak matapos ang tatlong araw nilang pag-aalaga rito. Hindi na sana siya tutuloy sa pag-uwi sa probinsya ngunit nakiusap ang kaniyang mga kapatid na tumuloy na lamang siya lalo na't naghanda na raw ang mga ito para sa kaniyang pag-uwi. Agad na nakonsensya si Maureen lalo na't umasa ang kaniyang pamilya doon sa probinsya na uuwi talaga siya para sa pasko, at alam niyang sabik na sabik ang mga itong makita siya. Hindi niya na nga alam ang itsura ng kaniyang

