"I'M sorry, Baby," masuyong sabi ni Simon de Guzman nang makarating sila sa kwarto niya, dito na sila dumiretso kaagad. "Don't worry, bukas na bukas, bago tayo makaalis para sa bakasyon, sisiguraduhin kong makalilipat sila agad sa isang hotel. Pasensya ka na… hindi ko lang talaga sila pwedeng paalisin lalo na't wala pang resulta ang paternity test… I have this feeling that the kid isn't mine, but I have to be fair kaya hihintayin ko pa rin ang resulta. I'm so sorry." "Okay lang," nakangiting sabi ni Maureen. Ang pagdating ng babaeng 'yon sa bahay na 'to ay naging dahilan kung bakit napapaisip na si Maureen. Kung ang babaeng 'yon lang din ang makatutuluyan ng kaniyang boss, kawawa ang mga bata, kawawa ang anak niya, kaya hindi siya papayag. "Can I sleep here, Baby?" malambing na tanong ni

