"MISS? Saan ka pupunta?" tanong ng guwardiya kay Maureen nang pumasok siya sa building kung nasaan ang condo ng ama ng kaniyang anak. "A-Ahh… may kaibigan lang po akong dito nakatira, Kuya," magalang ngunit kinakabagan niyang sabi. Mukhang bagong guwardiya itong nakaharap niya dahil sa ilang ulit niyang pagpunta dito ay ngayon lang ulit siya nasita. "Kaibigan? Pwede ko bang malaman kung anong pangalan ng kaibigan na sinasabi niyo, Miss? Pasensya na, protocol kasi namin 'to." "Ahm—Simon de Guzman po," sabi niya na halos masapid pa ang kaniyang dila, intensiyonal niyang hininaan ang kaniyang boses sa pangambang may makarinig na kakilala ni Simon de Guzman. "Alam po ba ni Sir Simon na darating kayo?" tanong pa nito sa kaniya. "Ay, hindi po… b-balak ko siyang surpresahin sa pagbisita ko,"

