"PASENSYA na, Boss," nahihiyang sabi ni Maureen kay Simon James. "Pwede niyo naman pong hindi sagutin ang tanong ko." Natahimik saglit si Simon James at inisip ang biglaang tanong ni Maureen na hindi niya rin alam kung sasagutin niya ba nang buong katotohanan o itatanggi niya na naman gaya ng lagi niyang ginagawa. "Sino bang hindi?" mahina niyang sagot matapos makapag-isip. Wala naman siyang nakikitang masama kung aamin siya. Isa pa, may tiwala siya kay Maureen na hindi nito sasabihin kay Zkat ang kaniyang inamin. "Since I became a single dad, all I dream is to give my children a complete and happy family… and Thamara made it possible." Pilit na ngumiti si Simon James habang inaalala ang asawa ng kaniyang best friend. "Alam ko… She's not mine to keep. Pero kahit anong pigil ko sa saril

