Chapter 6

1543 Words
Kabanata 6 Roxie Hindi ko pa minumulat ang mga mata ko sa sakit ng ulo ko. Mabigat din ang binti na nakadantay sa binti ko. Binti? Nasaan ako? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong katabi sa kwarto ko. Dahan-dahan akong kumilos para harapin kung sino tong walang modong tumabi sa akin. Nanlambot ako nang maaninag ko ang paligid. Hindi ko ito kwarto! Hindi pangmayaman ang kwarto ko e. Hindi napapalibutan ng mga wardrobes at malalaking salamin. At higit sa lahat hindi nagkalat ang make up kits. “Morning…” Bumangon siya at maupo. “Para kang teddy bear Pan. Magpataba ka lang konti…” “Kaiya?!” Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin. “Oh bakit? Ine-expect mo Jewel?” Ngisi pa nito. “In your dreams naman.” Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa damit ko. Ang damit ko! Pati ang suot ko kagabi na nakalagay sa bandang paanan ng kama. “Huwag kang OA. Naghubad kang hayop ka. Kaya pinalitan ko na rin ang damit mo.” Hinila ko ang kumot. Nakakaparanoid! Nakakailang. Natatawa siyang hinila naman ito. “OA mo Pan! Pareho lang tayong meron niyan. Binihisan lang e. Nag-iinarte na.” Nakipaghilaan ako ng kumot. “Hindi maaring makita nang kahit sino `to `no.” “Oh? Is that so? Okay.” Tumayo na siya at nagtungo sa bathroom. Hindi naman talaga! Sumubsob ulit ako sa kama. Inaantok pa talaga ako. Angbigat-bigat pa ng ulo ko. Ilang minuto pa ang lumipas nang bumukas ang pinto. Napatingin ako sa direksyon nito. “Nasaan si Kaiya?” Si Jewel. Natigilan siya nang makitang balot ako ng kumot. Oh iba na naman ang tingin niya. Naningkit ang mga mata at tinaasan ako ng kilay. “Sa banyo. Hindi ba kayo marunong kumatok sa bahay na `to?” Tanong ko habang nakadukdok pa din ang ulo sa unan. “Nakalimutan ko kasing nandito ka. Bumaba na kayo ha? Wala naman sigurong nangyari ano?” Tumingin ako sa kanya na walang kahit anong emosyon. “Seriously? Naisip mo `yan?” Tinawanan niya ako. “Bakit hindi? You’re lasing. Sabi nga pag may alak.” Binato ko siya ng unan para manahimik na. Kung anu-ano ang naisip! Dumukdok na ulit ako. Narinig ko naman ang pagsara ng pinto. Ilang sandal pa ay bumangon na ako at sumandal sa gilid ng banyo. “Bilisan mo naman. Kailangan ko nang umupo sa trono.” Angtagal naman. Limang minuto na nga ang lumipas hindi pa din lumalabas. “Kaiya! Bilisan mo nga…” Kakatok na sana ako nang muling bumukas ang pinto. Buti at napigilan kong mapanganga nang nakatapis lang si Kaiya at nakabalot ng tuwalya ang kanyang buhok. Naol makinis ang balat. “Oh diyan ka na maghapon,” Master na talaga niya ang pag-irap. Hay! Hindi uubra sa akin `yan lalo at umaalburuto na ang tiyan ko! -- Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago ako tuluyang lumabas. May damit na sa ibabaw ng kama. Nagmadali na akong magbihis at baka paghugasin ako ng pinagkainan. Natigil sila sa pagtatawanan at napatingin sa akin. “Bakit? Nagandahan kayo sa akin `no?” Hawi ko pa ng buhok ko. Nadismaya ako nang makita kong pareho kami ng style ng damit. Kulay lang ang magkaiba. Itim sa kanya, gray naman ang sa akin. “Idol mo na pala ako?” “Like duh..” Kunwari ay panggagaya ko sa mga conyo friends ko. “Why should I. Napagtripan na naman ako babaeng `yan” Nginuso ko kay Kaiya na angtamis ng ngiti. Ngiting tagumpay ba? Naupo ako sa tabi ni Yael. Damit yata ni Tito ang suot niya. Nagkatininginan kami ni Gael na katapat ko lang kaya hindi namin maiwasang ngumiti. “May gusto ba kayong i-share ha?” sabat ni Jewel. “Wala Babe,” sagot ni Gael. “Nababading na `tong si Ico. Crush yata ako.” “Over my dead sexy body…” Pag-iinarte ko ulit. Naging tampulan na kami ng pangtitrip. Kung kalokohan din lang ang pag-uusapan magkakasundo kami ni Anastacio. Lalo na kapag pagpapatahimik kay Yael ang bibisyohin namin. “May mga lakad ba kayo ngayon?” tanong ni Tito. “The usual.” Sagot ni idol Jewel. “Work. Isasama mo si Jeid, Kaiya ha?” “Na naman?” Alma ng kasungitan. “Hirap alagaan e.” “Samahan na lang kita,” biglang sabi ni Yael. “Walang kaming klase ngayon.” Gusto kong sapakin si Gael nang apakan niya ang paa ko. Kunot noo pa siya na parang nagme-mental telepathy sa akin. “Ah Papz,” biglang sabat niya. “Kami na lang ni Roxie ang mag-aalaga kay Jeid. `Di ba may friend kang hair designer? Magpakulay tayo ng buhok `di ba?” Shit! Masakit na ang paa ko ko sa kakasipa niya. “Ah opo, Tito. Libre daw ng tropa ko e.” “At isasama din si Kaiya,” dagdag ni Gael. “Pwede naman Tito `di ba?” “Can I join too?” sabat ulit ni Yael. “No.” Tiim na sagot ni Gael. “Kota ka na sa pakikibonding. Next time ulit.” Malakas talaga ang loob niya na tamblahin si Yael. Hindi na tuloy siya nakaporma. Nang makabalik kami ni Kaiya sa kwarto niya ay kinastigo niya ako. “Anong trip niyo ni Gael? Nakakahiya dun sa tao.” “Malay ko. Si Anastacio ang tanungin mo.” Tinupi ko na ang marumi kong damit. “`Yung workshop ha? Mas okay pa rin na personal kang mag-attend. At maghanap ka na ng model mo. Nakakahiya kay Tita.” “Ikaw na nga ang model ko.” Nakamot ko ang ulo ko kahit wala naman akong balakubak. “My Gosh! Angdami ko nang ganap sa buhay. Hindi ko na maisisingit `yan. Hanap ka iba.” “Roxie naman. Kasama `to sa moving on therapy ko. `Di ba sasamahan mo ako sa pagmo-move on?” “Ayaw ko nga. May work din ako. Basta ayoko. Period!” Tinakpan ko na ang tainga ko ang kumanta-kanta ako kahit wala sa tono para mas mainis siya. Effective! Lumabas ng kwarto e! Haha! --- Pahamak talaga si Gael! Imbes na uuwi na lang ako at matutulog kailangan ko pang kontakin ang kaibigan ko para totohanin ang palusot niya. Badtrip! “Nabitin ka ba sa alak?” Inis kong sabi sa kanya. “Imbes na magpapahinga ako sa bahay e.” “Wala ka namang gagawin e. Ilayo natin si Kaiya kay Yael. `Yon ang goal natin.” Hay naku! Angdaming araw na pwedeng gawin ang plano niya, ngayon pang may hangover ako! Nakasandal ako sa kotse nang lumabas sina Yael at Kaiya. Hawak-hawak ni Kaiya si Jeid na biglang tumakbo naman sa akin. “Tita, you cute po.” Sus! Napakaagang pambobola ng batang may bolang pisngi! Haha. Bahagya akong tumuko para maabot ko siya. Saka ko pinisil ang pisngi niya. “Anong gusto ng bibi? Bakit nambobola?” Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. “Cotton candy.” Nag-okay ako sa kanya saka ka nag-high five. Sumakay na kami sa kotse. Si Gael panay ang busina. Haha! Grabe ang babaeng `to. Hindi man lang maitago ang inis kay Yael e. Sumakay na rin si Kaiya. “Nag-aapura ka? Nakakahiya kay Yael e.” Puna niya kay Anastacio. “Luh. Tine-testing ko lang kung gumagawa `tong busina. Nabastusan ba siya? Kamo hindi sorry!” saka siya tumawa. Baliw talaga `tong babaeng `to! Panay ang kuha ng picture ni Kaiya. Kinukulit nga ako na humarap pero ayoko. Hindi ako pogi ngayon. Bakas pa ang hangover sa mukha ko. “Pan! Tingin ka naman dito! OA mo ha.” `Yan na naman siya. “Ayoko.” Nagtakip pa ako ng mukha ko. “Kayo na lang ni Jeid.” Hayst! Jeid naman! Tinatanggal pa ang pagkakatakip ng mukha ko. Nahahawa na `to sa Tita niya e. “Feel na feel niyo ang may driver ano?” reklamo na ni Gael. “Parang maling idea `tong inaya ko kayong umalis.” “Ginusto mo `to e.” Natatawang sabi ni Kaiya saka kumuha ulit ng pictures. “Pretty ba ako ngayon?” Baling niya sa akin. “`Yong totoo ha?” Umiling ako. “Hindi.” Hahaha! Mukha niya. Nag-abot na naman ang mga kilay e. Hindi niya ako mahahampas kasi kasama naming si Jeid. Buti naman! Hay! Pahinga na naging bato pa! Panay ang tunog ng notifs sa phone ko. Notifs sa email. Mga pictures nina Kaiya at Yael na pinadala ng mga readers ko. Sa akin pa talaga icoconfirm kung item ang dalawa. Naku naman! Block kayong lahat. Sila daw ang nasasaktan para sa akin. Halla! Bakit ako involve? Iniisip yata nila na may namamagitan sa amin in Kaiya dahil madalas din kaming magkasama. Grabe talaga sa social media! Anak ng! Ti-nag pa ako ni Kaiya sa Twitter. `Yong picture ko kagabi na wasted na wasted ako at tulog. “Alak pa, Roxie?” Grabe! Sabog na naman ang notifs! Sunod-sunod e. Angbibilis naman magreact ng mga naka-follow sa kanya. “Alam mo ikaw? Imbes hindi ako dudutdot sa twitter. Nacu-curious tuloy ako sa mga humahanga sa kapogian ko. Tsk. Kahit wasted, pogi. I’m blessed!”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD