Kabanata 61 ROXIE Napakahimbing naman ng tulog ng dalawa. Nakakahiyang gisingin. Haha! Nakakahiyang ring kumilos kasi baka magising si Jeid. Hawak-hawak niya ang mga kamay namin ni Kaiya e. Siguro feeling ng batang `to cute siya kapag pinagpapareha niya kami ng Tita niya. Hay! Pinag-intertwine pa niya e. Nagmulat si Kaiya. Napansin niya agad ang mga kamay namin. Nagtaas ako ng kilay. “Marunong kang magpatahan ng bata?” mahina kong tanong. Baka mag-tantrums to pag biglang nagising e. May mga bata pa namang hindi maawat kung umiyak na halos mapatid ang litid. Umiling siya. De hinayaan na lang muna namin na ganito ang posisyon namin. Sinuporta ko ang kanang braso ko para tumunghay sa kanilang dalawa. “Nakatulog ka nang maayos?” Tumango naman siya. “Thanks sa masahe.” “May bayad `yon. D

