Kabanata 63 ROXIE “Do not disturb.” Haha! Naglagay si Kaiya ng coupon na may naka-print na ganyan sa may sewing room. Nilipat ko ang dalawang efan para naman hindi siya masyadong pagpawisan. Napakagaling kasi ng mga kinuha kong mag-install ng aircon. Sabi ko ay ngayon pero ang seste e may VIP daw silang i-install-lan. Di sila na VIP. Kumatok ako sa pinto bago buksan. Nagtatahi na ang kamahalan! “Pst! Pwedeng pumasok?” Nag-angat naman siya ng tingin. “What is it?” De pumasok na ako. Take ko `yon as yes. Ha ha! “Hindi ka nag-almusal e. Gumawa kami ni Jeid ng sandwich. Less carb para sa rank 7. Ha ha!” tinanggal ko ang mga retaso ng tela sa mesa saka pinatong ang tray. “OT? Kakagala mo `yan. Ha ha!” “If you don’t have anything good to say, lumabas ka na lang. Si Jeid pala?” “Tulog s

