Kabanata 42 ROXIE Sa condo ni Tita ako umuwi after ng mini celebration sa office. Inihatid ko pa si Kaiya dahil hindi niya dala ang kotse niya. Konsensya kong malaki kung hahayaan ko siyang mag-grab naman or taxi. Nagsa-shot kami ni Tita. Continuation ng celebration. Pinatikim ko nga ng timplang ordinary na alak ko. Gin at pineapple juice lang. he he. Nandidiri pa nga siya kanina pero heto kami naka-tatlong shots na. “Tita, anong ginawa mo kanina sa workshop? Bakit parang tense na tense si Kaiya? Angterror mo siguro.” “Nothing really. Baka wala lang siyang bilib sa sarili niya.” Binotoms up niya ang shot niya. “Angtagal na ng huling inom ko ng ganito.” “Sherep `no? Pampalakas ng loob `to. Amin na ang susi. Baka bigla kang pumunta kena Tita Z. Ha ha!” Luh! Nakakaloko `yong ngiti ni

