Kabanata 70 ROXIE Work is life! Pambili ng pagkain! Na-miss ko ang mga katrabaho ko oh. Parang tumaba silang lahat. Pasikat ako siyempre, kaway-kaway. “Bro, nakita mo `yong video? TKO `yong gago ano?” Pagbibida ko sa isa naming writer. “Shuta. Dapat binangasan ko agad e.” “Pst!” Naman si EIC. Nagbibida pa ako e. Nginuso niya ang kanyang opisina. “Wait lang!” Nakatutuok na si Rica sa laptop niya nang pumasok ako sa office ni Jewel. “Uy! Wazzup Rica Girl? Musta?” Hindi ako sinagot e. Snub naman this girl. Dami siguro rush write up nito. Ha ha! Tinuro ni Jewel ang isang upuan. Binigyan niya din ako ng laptop. “Use this. Make write ups about the upcoming 100 Sexiest Party. Facts are in the folders na.” “Wow ha? Pwede ko namang gawin sa bahay `to. Nagawa ko na nga `yong iba `di ba?”

