Kabanata 66 ROXIE Sampung participants ang iso-showcase ang mga creations sa hapong ito. Minalas talaga ako. Parusa ko yata ito sa ginawa ko kagabi. “Matagal pa ba `yan?” Naiirita ko nang tanong kay Celeste. May tinatahi pa siya sa pang-ibaba nitong gawa niya. Nag-angat siya ng tingin. “Can you please wait Hun?” “Hun mo mukha mo.” “Ikaw talaga ang nasa isip ko while doing this design. It fits you really well.” Nagpameywang siya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pabalik sa ulo ay tumigil siya sa bandang dibdib ko. “Oh? Ano na?” inayos ko ang kwelyo kahit hindi naman talaga nito matatakpan ang dibdib ko. “Sa mata ang tingin. Leche.” Tinalikuran ko na siya. Humarap ako sa malaking salamin para sipatin ang sarili ko. Dark ang tema ng design. May mga punit-puni

