Kabanata 49 ROXIE Nakakabored naman. Namili ako ng kung tshirts. Feel kong magwaldas ngayon. Ano lang mga 10% lang ng kinita ko. Pamper yourself ang peg ko. Nakaupo ako sa may bench malapit sa tindahan ng libro. Daming nakapila. Ilan kaya diyan ang pumila para amuyin ang mga pages ng libro? Hehe. Ako kasi Gawain ko `yon. Hay. Boring talaga. Saan kaya ako pupunta? Ayoko pang umuwi. Check sa friends list kung sino ang pwedeng ayaing gumala. Nag-pop up ang chathead ni Georgina. Oh nakaalala naman `to. “Pst. I’m back sa Pinas. Wer you?” Nagta-type pa lang ako tumatawag na siya. Inayos ko siyempre muna ang buhok ko para pogi nang very light. Pinasak ko ang headset ko bago ko sagutin ang video call. “Hoy. Bakit ka napatawag? Nagrereply pa lang ako e.” “Tagal mo kasing magreply.” Hinahawi

