[MARINA POV] “Marina, handa na ba ang mga dadalhin mo?” “Opo, Nana. Kompleto na po lahat.” “Nakaka-excite naman na magbabakasyon ka kina Phoenix. Balitaan mo ako kung ano ang pinagagagawa ninyo doon, ah?” “Opo, Nana.” Para ngang si Nana pa ang mas excited kesa sa kanya. Ito na kasi ang araw na susunduin siya ni Phoenix. Hindi niya alam anong mga plano nito habang magkasama silang dalawa. “Mabuti na din ito para makapag-relax ka din at makapamasyal sa siyudad. Hindi iyon palagi ka na lang nandito sa bahay at nagmumukmok. Masaya ako na inimbitahan ka din ni Phoenix sa kanila.” “Ako nga din po eh. Kesa tanggihan ko ang alok niya, pumayag ako. Chance na din po nga siguro na makakita naman ako ng iba kesa sa dagat.” “Tama, tama ka nga hija. Nakapag-ready ka na ba? Ano nga ba iyon? Mga s

