[MARINA POV] “Plano mo lang ba magmukmok ditto sa bahay, hija? Sayang naman ang magandang panahon sa labas kung hindi ka mamamasyal.” Kakauwi lang ni Nana galing sa tindahan nito. Nakita siya nito na nakaupo lang sa veranda habang busy sa pagamit ng laptop. “Welcome back po, Nana. Wala po akong gana lumabas eh. At tungkol naman poi to sa trabaho ko. Plano po kasi ng kapatid ni Phoenix na gagawan ng birthday party celebration ang anak nito at siya din po ang susunod naming client.” “Sus, kaya ka nga nag-leave sa trabaho para makapagbakasyon at hindi muna isipin ang trabaho pero iyan pa ang inaatupag mo. Pagpahingahin mo muna ang sarili mo, hija. At tiyaka, isang taon ka rin mula ng umalis ka ditto. Huwag mo munang saying ang bakasyon mo.” “Si Nana talaga. Opo, gagawin ko po iyan mamaya.

