[MARINA POV] Pagkatapos nilang mag-agahan, kinausap niiya ito na kailangan na niyang bumalik sa hotel. Wala siyang dalang cellphone kaya kailangan niyang mag-report kaagad sa kanyang amo at makita din ang mga kasama niya. Bago pa man siya lumabas ng sasakyan, kinusap muna niya ito. “Maraming salamat sa pagpahid mo.” “You’re welcome. Are you sure na okay na ang pakiramdam mo?” “Oo. Kailangan ko lang talaga mag-report kaagad sa boss ko dahil kagabi pa ako wala.” “Nagkausap na kami ni Chi pero tama ka rin naman kasi amo mo siya and tapos na rin naman ang party so I guess nage-enjoy na ang mga kasamahan mo sa kanilang konting bakasyon.” “Tama ka nga. Excited na nga sila dahil makakapag-pictorial na sila at mag-pose sa bangka mo. Nga pala tungkol kay…alam mo na.” Tinatanong niya kung nand

