[MARINA POV] Nauna na siya pumunta sa dining table at umupo. Napauwang ang kanyang bibig sa mga inihanda nito. “Wow! Akala ko ba Kare-Kare lang ang lulutuin mo?” Meron din sinigang na hipon at… ampalaya salad? “Sandali, alam mo papaano mo nalaman ito?” Sobrang nagtataka siya bakit alam nito papaano gawin ang ampalaya salad eh ang tanging alam lang niyang gumawa noon ay ang kanyang Nana. Hindi kaya… Mukhang alam na nito ang susunod na sasabihin niya. “Yep, I learned it from Nana. Sabi niya isa din ito sa mga paborito mo kaya nagpaturo ako. Nang pinatikim iyan ni Nana sa akin, dang! Hindi siya mapakla at hindi mapait. Ang sarap kaya naging isa na din ito sa mga paborito ko.” Magka-vibes nga ang dalawa at si Nana naman, hindi talaga matigil sa kadada kay Phoenix tungkol sa kanya. Feeling

