//MARINA POV//
Tapos na silang mananghalian nila Marina at Phoenix. Iniwan niya muna si Phoenix na maglibot-libot sa labas. Hindi muna niya ito sinamahan dahil tinutulangan pa niya ang kanyang Nana sa hanapbuhay nito. Nakasanayan na kasi niya na tumulong rito sa binebentang mga bracelets at kwintas na gawa maliit na kabibe.
"Bakit hindi mo sinamahan si Mister Valerio, hija? Kaya ko naman ang mga ito. Asikasuhin mo muna bisita mo." Sabi sa kanyang Nana.
"Hindi naman po maganda na palagi ko na lang siyang sasamahan kahit saan po, Nana. Pabayaan po muna natin siya lumibot sa lugar ng mag-isa."
"Sige. Kung iyan ang gusto mo. Ano pala ang pinagusapan niyo kanina ng manghalian kayo, Marina?"
"Wala naman po kami masyadong pinagusapan, Nana."
"Eh, tungkol sa pagapapakasal niyong dalawa?Nagusap na ba kayo tungkol diyan?"
"Eh Nana, gusto sana niya pagusapan niyan kanina pero, hindi ako makasagot ng maayos sa kanya, eh. Nahihiya ako."
"Bakit ka naman mahihiya?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.
"Hindi ko naman po kasi alam anong gusto ko... Basta, tinatanong po niya ako kung ano ba ang gusto ko sa kasal namin. Anong uri ng wedding gown ang gusto ko, ano ang theme, design at kung ano-ano pa na hindi ko naman po masyadong alam at maintindihan."
Kanina sa paguusap nilang dalawa ni Phoenix, tinanong siya nito tungkol sa anong gusto niyang kalalabasan sa kanilang magiging kasal. Ang problema lang niya ay wala siyang alam tungkol sa ganyan. Parang umiikot ang kanyang isipan sa mga tanong nito. Ni hindi nga siya makasagot ng maayos rito at mukhang nahahalata rito na hindi siya komportable sa kanilang usapan kaya hindi na lang siya nito pinilit pa. Sabi nito na diyan na sila maguusap kapag nasettle na ang schedule nito.
"Naku, hija. Sa tingin ko ah, ang swerte mo diyan kay Mister Valerio."
Nagtataka siya sa sinabi nito. "Bakit naman po, Nana?"
"Mabait kasi siya at masayhahin sa nakikita ko. Kita mo nga, bukod kay Vince, mas maginoo, maunawain at mabait pa si Mister Vealerio. Kung magiging mag-asawa na kayong dalawa, sigurado ako na mawawala sa isip ninyo na nagpakasal lang kayo dahil sa ibebenta mong resort sa kanya."
"Nana, bakit nasali si Vince sa usapan?" Ang nana niya talaga, kung ano-ano ang inisip nito.
"Iba naman kasi ang ugali nilang dalawa. Nakikita ko kasi na mas inirerespeto ka pa ni Mister Valerio kesa kay Vince. Hindi na ako magugulat pa na baka magkagusto sa iyo si Mister Valerio." Tuwang-tuwa pa ito ng sabihin na baka silang dalawa ni Phoenix ay magkakagusto sa isa't isa.
"Matagal na po kaming hiwalay ni Vince." Vince was the named of her ex-boyfriend. Naghiwalay na sila ng limang taon. "At imposible po iyang iniisip niyo, Nana. Pumayag lang naman siya dahil gusto niya talagang bilhin itong resort ni papa at wala pong malisya sa pakikitungo niya sa akin. Mabait naman po talaga siya, pero hanggang doon lang po iyon."
"Hija, hindi naman masama na mayroong dadating na para sa iyo. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na magmahal ulit."
Umiling siya. "Ayoko na po, Nana." Ng magkahiwalay sila ng dati niyang nobyo, ni minsan hindi niya inisip o bigyan ng chance ang kangyang sarili na umibig pa. Ano ba ang saysay na ilapit pa ang kanyang sarili sa iba? Baka uulit na naman ang mga nangyari sa kanya na ayaw na ayaw na niyang maalala pa.
"Naku, ikaw talaga. Sige lang, hija. Sa ngayon, focus ka muna sa gusto mong gawin. Pero, kung ako ang tatanungin mo, boto ako kay Mister Valerio."
"Si Nana talaga, humihirit pa. Pupuntahan ko lang po si Phoenix."
Iniwan niya muna andg kanyang ginagawa at lumabas para hanapin si Phonenix.
~~~ooooooooo~~~
//MARINA POV//
"Saan kaya ito pumunta?" Napansin niya na ang kalangitan ay kumukulimlim na.
Hinahanap na niya ito baka nasa ibang parte ng lugar ito mapadako. Ilang minuto na siyang naglalakad pero ni bulto nito ay hindi niya nakita.
"Saan ba ito pumunta? Kung hindi pa ito makaalis ngayon, maabutan siya ng malakas na ulan."
Nagpatuloy siya sa paghahanap at ng ilang sandali ay nadatnan niya ito na may kausap na mga kababaihan. Parang nage-enjoy yata ang lalaki dahil tumatawa pa ito.
Napailing na lang siya sa kanyang nakikita ngayon. "Nakalimutan ko pala sabihin kay Nana na chick-magnet itong nirereto niya sakin."
Hindi siya nagpahalata at nilapitan niya ito ng hindi napapansin.
"Talaga?! Ibig sabihin, nakapunta ka na sa ibang bansa?" Sambit ng isang babae.
"Wow naman. Gusto ko din makapunta."
"Pogi, may gelprend ka na ba?" Biglang tanong ng isa pang babae rito.
"Wala akong girlfreind ngayon." Sagot nito.
Mukhang nabuhayan ng pag-asa ang tatlong babae sa sinabi nito. Hindi niya maiwasan na mapangiti dahil nakakatuwa kasi ang ekspresyon nito na parang wala magawa ang lalaki kung sagutin ang mga tanong ng tatlo.
"Talaga?! Pwede ba ako mag-apply, pogi?"
Natawa ito. "No. Ang ibig kong sabihin, wala akong girlfriend pero ikakasal na ako."
Ang ngiti ng tatlo ay napalitan na ng pagkagulat at pagkahinayang. "Ay, ikakasal ka na pala. Sayang naman..."
"Yes. Actually..." Palinga-linga ito na parang may hinahanap. At napatalikod ito ng makita siya, ay sumilay ang ngiti nito na parang matagal na silang hindi nagkikita.
Hindi niya alam kung bakit hindi siya makagalawa ng makita niya ito. She can't deny na gwapo talaga si Phoenix pero, iba kasi ang awra nito lalong lalo na ngayon. Ano ba itong iniisip niya, parang siya nawawala sa sarili niya.
Nilapitan siya nito at hinawakan ang kanyang kamay. Hinila siya nito at hinarap sa tatlong babaeng kausap nito.
"Ladies, meet my fiancee, si Marina."
Nagulat ang tatlo. "Si Marina?!"
"May-ari ng Resort sa kabila?"
Nagulat din siya sa sinabi nito. He introduce her as his fiancee sa ibang tao.
"Wala kaming laban diyan. Congratulations sa kasal ninyo, Sir. Sige po, aalis na po kami." Nagpaalam na ang tatlo at iniwan na sila.
"Phew! I thought na matatagalan ako sa pagkikipagusap nila sa akin. Non-stop kasi ang mga tanong nila sa akin. Mabuti na lang at dumating ka. Why are you here by the way?"
Ahh... Para pala makawala ito sa mga babaeng kausap niya. Akala niya seryoso iyo kanina.
Wait, bakit ba siya nadi-dissapoint?
Iniwaksi niya ang kanyang iniisip at sinabi niya kung anong pakay niya. "Kailangan na natin pumunta sa bahay at para na rin ma-contact ang secretary mo para sunduin ka. Makulimlim na kasi masyado baka maabutan pa ka ng malakas na ulan."
Tumingala ito sa kalangitan. "You're right. I think it will rain very soon. Sige, bumalik na tayo."
Ilang segundo ng kanilang paglalakad ay bigla na lang bumuhos ang napakalas na ulan.
"Hindi na tayo aabot pa. Kailan na natin muna maghanap ng masisilungan." Sambit nito at walang kaano-ano ay hinawakan nito ang kanyang kamay.
Iginaya siya nito sa isan malaking puno na may isang cottage na sira na. Bubong na lang natitirang nakatayo.
"Mabuti na lang at may bubong pa ito. Are you okay, Marina?"
"Oo. Salamat. Ikaw? Hindi ka ba nilalamig?" Inaalaa kasi niya ito dahil hindi ito sanay sa klima dito lalong lalo na nasa tabi sila ng dagat na kapag uulan ay masyading mahangin at malamig.
"I'm fine. It's a little bit cold but I can manage." Ngiting sagot nito sa kanya.
Tama nga ang sinabi ng kanyang Nana kay Phoenix. Palagi rin itong nakangiti at parang walang pinoproblema.
"Hay, ang sarap ng hangin kahit malamig. Ang tagal ko ng hindi ito nadadama. Palagi lang kasi ako nasa office dahil sa mga trabaho. Now, I'm glad I visit here." Nilingon siya nito.
Nakita siya nito na nakatingin din rito. "Hmm..? What is it?"
"Um... Hindi lang kasi ako sanay na foreigner ang hitsura mo pero ang lalim mo mag-tagalog."
Oh my god! Bakit ko biglang nasabi iyon sa kanya?! Parang natabunan siya ng hiya sa sinabi niya. Bakit ba kasi nasabi niya iyon? Hindi naman kasi siya sanay dahil kung may foreigner napapadpad sa kanila, siyempre ingles ang lenggwahe ng mga ito. Pero kasi sa hitsura nito, wala talagang duda pati na rin sa berdeng mga mata nito.
Nagulat ito at bigla na lang napatawa. "Ngayon lang may nakapagsabi sa akin iyan."
"So-sorry..."
"You don't have to. I was just...fascinated what you just said. Kapag nakikita nila ako, automatic magsasalita agad sila ng english sa akin at pinababayaan ko lang naman sila. Except you."
"Huh? Ako?"
Tumango ito. "Yes. Remember ng una nating pagkikita sa opisina ko, hindi ka nagdalawang isip na kausapin ako agad-agad."
Now she remebered. Hindi na siya nagisip pa kung anong sasabihin nito kaya walang ano-ano ay sinabi na agad niya kung ano ang sadya niya. Hindi na niya pinansin pa kung magtatagalog pa ba soya o magi-ingles. But, one thing she only saw was his beautiful blue eyes.
"Siguro ganon nga. But---but your eyes are cool."
Napaamang ito. "My eyes? Really? Well, ang sabi nila, nai-intimidate sila kapag tinitignan ko sila. That's why hindi ako masyado naga-eye contact sa tao."
"It's fine. You do really have beautiful eyes."
Marina! Ano bang pinagsasabi mo! Baka isipin nito na may motibo ka! Manahimik ka na!
"Pa-pasensya ka na sa mga sinasabi ko. Co-cool ang ibig kong sabihin." Hindi na siya nagsalita pa umiiwas na siya ng tingin rito. Ano ba kasi pumasok sa bibig niya na bigla-bigla na siya may sinasabi na nakakahiya.
"Thank you. You're the first to say that my eyes are "cool"."
"Yo-you're welcome." Sabi niya ng hindi niya ito nilingon.
"Oh? Akala ko ba na "cool" ang mga mata ko? Bakit hindi ka makatitig sa akin?"
"Mahangin kasi." Palusot niya baka may masabi na naman siya.
Narinig niya itong tumatawa. Mukhang nage-enjoy ito sa kahihiyan niya.
"Interesting."
Huh? May sinabi ba ito? Hindi niya kasi ito marinig dahil na rin sa ulan. "May sinabi ka?"
"Hmm? Nothing. Let's just enjoy the rain." Hindi na ito nagsalita pa.
Pati rin siya ay binaling na niya ang kanyang tingin sa magandang lugar.
Hindi niya alam kung anong mangyayari pagkatapos ng ulan. Pero, isa lang ang naiisip niya.
She did too enjoy the rain... with him.
*
*
TO BE CONTINUED....