[MARINA POV] “Akala ko may lakad kayo ni Phoenix ngayon, hija?” “Meron po pero sinabi ko na huwag muna ituloy.” Plano sana nilang mamasyal ni Phoenix pero siya na mismo ang umayaw muna. Umaga pa lang pero parang wala siyang gana pumunta kahit saan kaya ditto na muna siya sa bahay at si Phoenix naman ay pumunta sa opisina dahil tinawagan ito ng secretary dahil may emergency. “Sige kung iyan ang gusto mo. Huwag mo din sana sasayangin ang pagbabakasyon mo ditto. Maglibot-libot ka na lang ditto o tawagin mo si Maya para samahan ka.” “Pupunta po si Maya ditto mamaya, Nana. Siguro tutulong na lang po muna ako sa paglilinis ditto.” “Hija, kakalinis ko lang kanina.” “Ah. Ganoon po ba?” “Magtatanghali ka. Magalmusal ka na lang muna at pagkatapos, diyan ka na magisip anong gagawin mo.” “Opo

