[MARINA POV] “Gusto mo nito, Maya?” “Opo. Eto din po.” Nasa food bazaar sila ngayon. Hindi naman masyadong malayo sa tindahan ni Nana at hindi pa naman sila naghahapunan kaya nagpasya silang ditto na lang kumain. Maraming tao ang dumayo ngayon dahil sa mga nakahilerang mga pagkain at enjoy na enjoy ang dalawa sa pagpili. Pinabayaan lang niya ang mga ito at sumunod lang siya saan man ang mga ito pumunta. “Marina, chicken inasal gusto mo?” Tanong ni Phoenix sa kanya. “Sige. Kayo na ang bahala mamili ng pagkain maghahanap na ako ng mauupuan natin.” Ilang sandali, may dala-dala ng tray ang dalawa. Pagkalapag nito parang halos lahat ng pagkain dinala na sa kanilang lamesa. “A-ang dami naman nito.” “Gutom na kami ate, eh!” Excited sabi ni Maya. Agad nitong kumuha ng barbeque at nauna ng k

