[MARINA POV] “Marina! Diyos ko! Sa wakas, nandito ka!” Salubong sa kanyang Nana ng nakarating na siya kasama si Phoenix sa resort. Niyakap niya ang kanyang Nana ng mahigpit. Siya rin naman super excited na magkita ulit silang dalawa. “Na-miss kop o kayo, Nana! Kumusta nap o kayo?” “Maayos lang naman ako, hija. Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Kumusta ka na?” “Sobrang okay din po ako. Sobrang saya ko po na nakabisita po ulit ako ditto. Susulitin ko ang isang linggo para makasama kop o kayo.” “Ako din. Ng binalita sa akin ni Phoenix na magbabaksayon ka ditto, hinanda ko na ang bahay pati na rin ang kwarto mo. Dali na kayo para makakain na. Siguradong nagugutom na kayo.” Si Phoenix na ang nagdala sa kanyang mga gamit papasok sa bahay. Wala ngang pinagbago, Ganito pa rin ang hitsura m

