Chapter 78 Lumabas si Luna dala-dala ang kanyang flashlight. Itinapat niya ito sa puno habang diretso ang kanyang paningin sa unahan. Nagmamadali siya. Gusto niyang makompirma ang kanyang nakita. Hingal na hingal siya habang dinadamba ng kaba ang kanyang dibdib. “It can't be!” nagdadalawang isip na usal ni Luna. Namamalikmata lang siguro siya at baka dahil sa sobrang pag-iisip sa binata ay ito palagi ang nakikita niya saan man dumako ang kanyang paningin. “This is a trap,” paalala ni Luna sa kanyang sarili ngunit mas nanaig ang kanyang kagustuhan na makita ang binata. Hindi siya sigurado ngunit malakas ang kanyang kutob na ang binata ang sumusunod sa kanya. Naramdaman niya ang isang presensya sa hindi kalayuan kaya napahinto siya sa paglalakad. Biglang may dumaang anino sa kanyang ha

