Chapter 66 Nawalan siya ng ganang kumain ngunit kailangan niya iyong gawin dahil may gagawin sila ng binata. Stop. It's not what you think. Huminga siya nang malalim bago humarap. Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mabungaran ang binata. Mataman itong nakatingin sa kanya na animo ay pinag-aaralan nito ang kanyang hitsura. Nakatabingi pa ito na para bang sinusuri nito ang kanyang reaskyon. “B-Bakit?” namumula ang mukhang tanong ni Luna sa binata. Hindi ito nagsalita. Wala sa sariling pinunasan ni Luna ang kanyang mukha. Tiningnan niya ang kanyang kamay. “Wala namang dumi sa mukha ko,” wala sa sarili niyang saad. “What are you mumbling awhile ago?” tanong ng binata. Tumayo ito nang maayos. Ibinulsa ng binata ang mga kamay sa suot nitong pantalon dahilan upang mapalu

