Chapter 30 Masama ang loob ni Solene sa kaibigang si Luna. Magmula nang akusahan ng dalaga ang kanyang nobyo ay hindi na niya ito kinausap pa. Lumayo ang loob niya sa kaibigan. Hindi kailanman pumasok sa kanyang isipan na ganoon ang iisip ng dalaga tungkol sa kanyang nobyong si Jacob. Paani nasasabi ng dalaga ang mga pang-aakusa nito sa kanyang nobyo gayong hindi pa nito lubos na kilala ang binata? Sila ang nagsama ng ilang buwan. Palagi itong pumupunta sa kanila at imposible ang mga pinagsasabi ni Luna. Hindi siya makapaniwala sa mga isiniwalat nito sa harap nang maraming tao. Hindi rin niya lubos maisip na totoo iyon lalo pa at magkasama sila ng binata nang mangyari ang sinasabi nitong pag-atake. “She’s a freak,” komento niya isang linggo matapos ang hindi nila pag-uusap ng kaibigan

