Chapter 24 Napairit si Luna nang bigla itong sumugod sa kanila. Patakbo siyang pumasok ngunit paglingon niya ay nakatayo pa rin ang dalagang si Amy at mukhang wala itong planong pumasok kaya naman ay binalikan niya ito. Hinawakan niya ang damit ng dalaga at hinila niya ito nang malakas papasok sa mansion. Sa isang iglap ay naisara niya nang walang kahirap-hirap ang pinto ng mansion samantalang hindi niya iyon nagagawa nang mag-isa dahil mabigat ito dahil na rin sa laki nito. “What did you do!” galit na singhal sa kanya ng dalaga. Natigilan siya at kunot-noo itong binalingan. “Ano?” nagugulat niyang tanong dito. “Tanga ka ba? Kita mo nang aatakihin na tayo ay nakuha mo pang makipagtitigan doon sa hayop na iyon! Suntukin kaya kita nang matauhan ka!” malakas niyang sigaw rito dahil sa inis

