Chapter 43 Nagising si Luna na kumakalam ang kanyang sikmura. Madilim ang paligid. Tanging mga tunog ng kulisap ang kanyang naririnig. Hindi niya alam kung anong oras na. Pinagpipiyestahan siya ng mga lamok at kung ano-ano pang insekto sa paligid. “Luka-luka ka talaga, Luna!” singhal niya sa kanyang sarili sa gitna nang kadiliman. Wala siyang nakikitang liwanag kahit maliwanag nan ang buwan dahil sa malalabong dahon ng mga punong nakapalibot sa kanya. “Ang sakit ng tiyan ko!” reklamo niya habang impit na dumadaing sa sakit. Iniipit niya na lang ang kanyang tiyan uoang maibsan ang kanyang nararamdamang gutom. Pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng malay kapag tumagal pa ang ng oras na hindi siya makahanap ng makakain. Pumikit siya at kusang naglayag ang kanyang isipan. Ang kanyang imah

