Chapter 61 May narinig na kalabog si Luna ilang minuto lang ang nakalipas simula nang makaalis ang binatang si Cameron. Nasa kuwarto siya, nag-tutupi ng kanyang mga nilabhang damit. “Bumalik siya? Ang bilis naman,” aniya sa sarili. Iniisip na si Cameron iyon. Tinawag niya ang binata. “Cam? Nandiyan ka ba? Bakit ka bumalik?” tanong niya pa. Wala siyang narinig na sagot. Pinilit niyang itayo ang sarili upang tingnan kung sino iyon. Uugod-ugod siyang naglakad palapit sa nakasaradong pinto ng kanyang kuwarto. Tinawag niya ulit ang binata. “Cameron? Ikaw ba ’yan?” Wala pa ring sumagot ngunit narinig niyang bumukas ang pinto. Biglang umusbong ang kaba sa kanyang dibdib. Narinig niya ang paglangitngit ng sahig gawa nang paglalakad ng isang tao. Hindi siya nakapagsalita. Mahigpit niyang hin

