Chapter 63 Isang malutong at malakas na sampal ang sumalubong sa mukha ni Emily. Halos dumugo na ang kanyang labi sa sobrang sakit. Pumutok na iyon. Sabog ang kanyang buhok at namamaga na ang kanyang mukha. Walang tigil siyang s*nasaktan ng dalagang si Fresia habang nanonood lang sa isang tabi ang binatang si Jacob. Kumakain ito ng prutas habang natatawang nakatingin sa kanya. Tiningnan niya ito nang masama. Naiinis siya sa pagmumukha nito. Gustong-gusto niya itong sugurin ngunit hinang-hina na siya. Wala siyang sapat na tulog at kain. Worst, hindi pa siya nagka-kape simula nang dukutin siya ng binata. Gusto niya ring dukutin ang mga mata nito sa sobrang inis. Malagkit na ang pakiramdam niya sa kanyang katawan and she know she stinks. Wala na siyang pakialam. Mas gusto niya iyon upang

