Chapter 8 "Luna." Napalingon si Luna sa marahang pagtawag sa kanya ng kanyang inang si Nanay Esme. Pansin niya ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito. Pinakatitigan niya anh ginang at nahahalata na niya ang pamamayat nito. Mukhang stress na ito sa trabaho. "Bakit po, 'Nay?" tanong niya rito. "Kamusta ang pag-aaral mo?" usisa nito sa kanya. "Hmm," aniya habang nag-iisip. Napangiti siya kaagad. "Maayos naman po," sagot niya. "Mabuti naman," usal ng ginang. Nagtaka si Luna kung bakit nagtatanong ito ngayon. Madalas kasi ay nakapukos lang ito sa kanya. Kung kumakain ba siya nang tama kapag nasa eskuwelahan siya. "Bakit po?" nagtatakang tanong niya sa ina. Umiling ito saka ngumiti. "Wala naman. Mag-ingat ka sa pagpasok at pag-uwi mo," paalala nito sa kanya. "Opo," aniya. Ilang m

