Episode 55

1679 Words

Chapter 55 SHANY “Patricia, ano ba bilisan mo! Naghihintay sa atin si Tita Zonia!’’ pagmamdali ko kay Patricia. Pupunta na kami sa Paraiso nakahanda na kami ni Piglets, pero ang Patricia na ito ang bagal. Babalik din kami mamayang hapon dahil baka malagot kami kay Lorenzo, kapag nalaman niya na pumunta kami ni Patricia sa Paraiso. Tinatawagan ko siya subalit nakapatay naman ang cellphone niya. Mahina rin kasi ang signal sa Puting Isla. Ilang sandali pa bumaba na si Patricia. “Ito naman palaging nagmamadali,’’ maktol pa nito sa akin. “Eh, kasi nga sasabay lang tayo kay Tita Zonia. Nakakahiya naman kung papahintayin pa natin siya.” Tumalikod na ako at hila-hila ko na si Piglets. Hindi na ako pumasok ngayon sa trabaho. Sabi ni Lorenzo kahapon ayos lang kahit hindi muna ako pumasok.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD