Speacial Chapter One SHANY “Happy 8th months mga anak,’’ bati ko sa mga anak namin ni Lorenzo na walong buwan na. Palakpakan silang tatlo habang hinihipan ang mga candle na nasa cupcake na ginawa ni Lorenzo, para sa kanila. Nakakatuwa sila dahil marunong na sila magsalita ng daddy at Mommy. Noong una naming marinig ni Lorenzo ang salitang iyon walang mapagsidlan ang tuwa na aming nadaramang mag-asawa. Nakatayo sila sa kanilang kona na pinasadyang pinagawa ni Lorenzo. Sa isang kona may kaniya-kaniya silang higaan at harang. Kapag gusto namin ni Lorenzo na mag-bonding silang magkakapatid nilalapag namin sila sa sahig. May makapal naman iyon na mat para hindi sila masaktan kahit na mabuwal sila. Kahit ang pader may makapal na wall paper. Lahat sinisigurado ni Lorenzo na safe ang mga anak

