Chapter 32 Shany Kinagabihan nagyaya sina Daddy at Mommy na sa labas kami kumain ng dinner. May ilang restaurant si Kuya ngunit ang paborito namin laging kainan ang RJ restaurant. Nasa loob na kami ng restaurant ni Kuya. Sa vip kami naupo. Niyaya ni Daddy si Kuya, subalit tumanggi ito dahil mag-night swimming daw sila ng mga bata. Okay lang na hindi sumama sa dinner si Kuya, para may panahon siya makipag-bonding sa mga anak nila ni Ate Crystal. Iyon na rin ang paraan niya na upang maikubli niya ang pagkasabik sa pag-iwan sa kaniya ni Ate Crystal. “Amega, sayang at hindi makapunta si Enzo dahil nangako siya sa pinsan niya doon mag-dinner kasama ang mga pamangkin niya. Sa susunod na lang daw,’’ wika ni Tita Rosa kay Mommy habang nakaupo kaming lahat. “Hayzz… It’s okay, Amega. Next time,

