Chapter 19 Shany Pitong buwan na ang lumipas na mag-asawa kami ni Lorenzo. Sa pitong buwan na iyon palagi kong inaabangan ang pagbubuntis ko. Subalit hanggang ngayon hindi pa rin ako nabubuntis. Palagi rin kasi wala si Lorenzo at madalas nasa Holand siya. Dalawang araw lang siya namamalagi rito sa loob ng isang linggo. Ang sabi niya sa akin may trabaho siya sa Holand, hindi naman ako nangungusisa kung ano ang trabaho niya roon. Hindi na rin kasi siya nagtanim ng mga prutas. Sayang nga ang lupa niya at nakatiwangwang lang. Hindi naman ako marunong magtanim. Isang araw sa sapa ako naglalaba kasama si Bantay. Maganda kasi maglaba roon dahil isang banlaw lang tapos na. Hindi katulad sa puso na sasakit pa ang braso ko sa pagbubumba ng puso. Nakaabang lang si Bantay sa akin habang nagkukuso

