Chapter Seven

3088 Words
Tahimik kaming magkayakap ng biglang kumulo yung tummy ko. Tumawa si Jeixz at bumitaw sa yakap n’ya. “Tara nga kumain na tayo. Gutom na ata yang dragon sa t’yan mo.” Nang-aasar na sabi n’ya. “Che! Ikaw ah ginugutom mo ako! Minus points ka.” Pang-aasar ko din sa kanya, hindi ako papatalo no. Bleeeeeh. “Saan mo gusto kumain?” Tanong n’ya sa akin. “Hmmm, sa Yellow Cab, nagcrave ako bigla sa pizza, burger at saka fries.” At nagtawanan kami. Ang comfortable ko sa kanya, hindi ako nahihiyang ipakita kung sino talaga ako, sa mga pasts relationship ko naiilang ako sa mga naging boyfriend ko pero sa kan’ya komportable ako. Ngayon lang ako naging ganito. Hinawakan n’ya ang kamay ko at inalalayan akong tumayo. Kinilig naman ako sa pagiging gentleman n’ya. Naglakad lang kami since malapit lang naman dito yung Yellow Cab. Pagdating namin sa Yellow Cab, s’ya yung nagvolunteer na oorder, ang sabi ko KKB kami, Kanya Kanyang Bayad, pero ayaw n’ya daw na gumastos ako, treat n’ya daw kasi daw sinagot ko na s’ya, loko loko talaga. “Pero seryoso Jeixz-“ “Bubby.” Pagtatama n’ya sa akin. “Okay okay.” Tumawa ako. “Pero seryoso bubby, gusto ko talaga hati tayo sa bayad, ayaw ko kasing isipin mo na palibre lang ako.” Sabi ko sa kan’ya. Ayokong isipin n’ya na umaasa ako sa kan’ya, may sariling pera naman ako bigay ni mama, pinapadalhan din ako ni papa at nagbebenta din ako ng mga damit paminsan minsan. “Ano ka ba naman bubby.” Panimula n’ya. “Never kong iisipin na palibre ka, gusto ko lang talaga na ako yung gagastos, please wag ka na makulit.” Paliwanag n’ya, kinurot n’ya pa ang ilong ko. “Okay, makulit pala ako eh.” At ngumuso ako. Tumawa naman s’ya ng mahina. “Ang cute moo.” Kinuha n’ya ang phone n’ya at kinukuhaan ako ng picture. “Ayan ah may pa stolen picture! Buharin mo yan panget ko d’yan.” Inaagaw ko pa yung phone n’ya, inilalayo naman n’ya sa akin yun. Natigil kami sa pagkukulit dahil dumating na yung pagkain namin. Kumain na muna kami. Napansin kong kapag kumakain s’ya nagsa sign of the cross s’ya, parehas kami, turo yun sa akin ni lola. Magpasalamat sa biyayang binibigay ng itaas. “Hmm ang sarap talaga ng pizza dito.” Comment ko habang kumakain. “Oo nga eh, the best.” Pag sang-ayon naman n’ya sa akin. Ting! Tumunog yung phone n’ya. Tinignan naman n’ya iyon at inis na hindi pinansin. “Sino yun?” Tanong ko, oo na chismosa ako huhu. “Si Airine, hindi pa rin tumitigil.” Sagot naman n’ya. “Hayaan mo na, wag ka na mainis, papanget ka.” Biro ko sa kan’ya. Sa totoo lang hindi ako nagseselos doon sa babaeng yun, kasi ramdam ko naman na hindi na yun babalikan ni Jeixz kahit ano pang mangyari, sana nga makamove on na s’ya para hindi na s’ya umaasa. “Okay bossing.” Tumawa pa s’ya at tinuloy na naman ang pagkain namin. “Grabe busog na busog ako.” Sabi ko sa kan’ya at hinamas ko pa ang t’yan ko. “Halata nga eh, puputok na yung butones mo sa laki ng t’yan mo.” Pang-aasar n’ya. “Epal mo, sexy ko kaya.” Natawa din ako. Umorder pa s’ya para daw pasalubong namin doon sa bahay. Tumayo na kami para umalis, pinauna n’ya akong maglakad at sa likod ko naman s’ya. “Saan na tayo?.” I asked. “Sa bahay n’yo malamang.” Sarcastic na sagot n’ya. “Che!” Naglalakad na ako at nagpara ng taxi, inunahan ko s’yang magbayad mwehehehehe, sinamaan naman n’ya ako ng tingin. Dinilaan ko naman s’ya. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami ni mama. “Mano po tita.” Nag blessed s’ya kay mama. “Oh Jeixz, akala ko mamaya pa kayo uuwi eh, tapos na ba ang date n’yo?” Nang-aasar na tanong ni mama. Si mama talaga kahit kailan. “Opoo ma, si lola po?” Tanong ko sa kan’ya. “Nasa loob naglilinis ng mini table n’ya. Tara na pumasok na tayo.” At sumunod kami kay mama. “Hijo!” Hala? Excited makita si Jeixz lola? HAHAHAHA. Nagliwanag kasi yung mukha n’ya ng makita si Jeixz, ang cute lang. Nagmano naman sa kan’ya si Jeixz. Tinawag ko ang mga kapatid ko para kumain ng dala namin, busog pa kasi kami parehas ni Jeixz. “Hijo, dito ka na magdinner ah.” Si lola kay Jeixz. “Sure po lola.” Nakangiting sagot ni Jeixz. “Hay nako, napakabait mo talagang bata ka.” Bumaling sa akin si lola. “Kailan mo ba balak sagutin itong si Jeixz?” Nang-aasar na tanong n’ya. “Sinagot na po n’ya ako lola, ngayon lang po.” Ramdam ko yung tuwa sa salita ni Jeixz. Nagula naman si lola at mama. “AYIEEEEEEEEEE!” aba sabay pa silang tumili. “Ma, Lola para naman po kayong mga teenager eh.” Natatawang sabi ko. “Pasensya na, kinikilig lang kami ng lola mo.” Tuwang tuwang sabi ni mama. Natutuwa ako sa totoo lang, kasi si Lola strict yan talaga, ayaw n’yan na nagboboyfriend ako, ako lang talaga tong matigas ang ulo, pero pagdating kay Jeixz, biglang nawala yung pagiging strict n’ya. Nakakatuwa lang isipin, ang saya ng puso ko, hindi lang ako yung may mahal kay Jeixz, pati pamilya ko. Lumabas kami at sa garden ni lola tumambay. Nakaupo kami sa upuan malamang, charot. “Tigilan mo ko sa mayabang na tingin mo.” Sabi ko sa kan’ya, magyayabang na naman kasi s’ya. “Tsk, ayoko na lang magtalk.” At natawa kami parehas. Ting! Dara: Beeeeb, nagawa mo ba yung homework natin sa math? Pakopya naman mwehehehehehe ^•^ Ay oo nga pala may assignment pala ako muntik ko na makalimutan, math pa naman medyo hirap ako doon eh huhu. Yanna: Wala pa, mamaya gagawa ako send ko sayo sagot mwah ^•^ “Sino yan ha?” Pabirong tanong ni Jeixz. “Si Dara, nanghihingi ng sagot ko sa homework sa math. Wala pa akong gawa eh.” Sagot ko naman. “Math? Magaling ako d’yan.” Hindi ko alam kong totoo o nagyayabang lang s’ya eh. “Weh? Talaga ba?.” Paniniguro ko. “Oo naman, tara turuan kita.” Pagvolunteer n’ya. “Talaga?” Paniniguro ko ulit. “Oo nga, tara na, tuturuan kita.” Ngumiti s’ya sa akin. Papunta na kami sa kwarto ko. “Saan kayo pupunta apo?” Tanong ni lola. “Tuturuan n’ya po ako sa homework ko sa math lola.” Sagot ko. “Dito naman po kami sa baba-“ Dagdag pa sana ni Jeixz. “Hindi, d’yan na kayo, maingay dito baka di kayo makapag concentrate.” Nagulat naman ako kasi pumayag s’yang dalawa kami Jeixz sa kwarto ko. Grabe ang laki ng tiwala nila kay Jeixz. Nagulat naman kami parehas at napatigil. “Oh ano pang tinatayo tayo ninyo d’yan?.” Natatawang tanong ni lola. “Ah opo.” At umakyat na kami sa taas. Pagkadating namin sa tapat ng pinto ng kwarto ko. “First time ko magpapapasok ng lalaki sa room ko, kaya wag mo ijudge kung makalat ah.” Sabi ko. Natawa lang s’ya at tumango. Pumasok na kami. Maayos naman yung room ko hindi naman ganon ka kalat. Hays buti nalang talaga hindi magulo. Binuksan n’ya lang yung pinto hindi n’ya sinara. Napangiti naman ako sa ginawa n’ya. “Dito na lang tayo sa sahig, hindi tayp kasya sa study table ko eh.” Kinuha ko yung notebook ko at mga papel at inilapag sa kama. “Hindi naman magulo ‘tong room mo ah, ang linis nga eh.” Sabi n’ya. Naglilibot yung mga mata n’ya sa room ko. Lumapit s’ya sa side table na nasa gilid ng kama ko. May kinuha s’yang bracelet. Yun yung bracelet na binigay n’ya sa akin nung mga bata pa kami, ginawa n’ya yun para sa akin. “Nasa’yo pa pala ‘to?” Natutuwang tanong n’ya. “Hmm.” Sagot ko naman. “Akala ko itinapon mo na eh, ang tagal na kasi.” Dagdag n’ya pa. “Memorable sa akin ‘yan kaya never ko yan itatapon.” Nakangiting sagot ko. “Hindi na kasi kas’ya yan sa akin kaya hindi ko na sinusuot.” Dagdag ko pa. Palagi ko kasing suot iyon simula noong binigay n’ya yun, hindi ko nakakalimutang suotin yun. Lumapit s’ya sa akin at tinabihan ako. “Talagang patay na patay ka sa akin eh.” Aba ang yabang nito ah. “Aba! Ang hangin mo talaga, akin na nga itatapon ko na yan.” Biro ko sa kan’ya. “Joke lang eh.” At tumawa s’ya. “Umpisahan na natin, nasaan ba yung homework mo?” Kinuha n’ya yung notebook ko. Itinuro ko naman sa kan’ya iyon at inumpisahan n’ya akong turuan. Habang tinuturuan n’ya ako, hindi ko maiwasang mamangha sa talino n’ya at sa galing n’ya magturo. Natapos na rin namin sa wakas. “Bakit ganon? Kapag ikaw nagtuturo naiintindihan ko?” Tanong ko. “Pero pag sa school parang ang hirap intindihin.” Dagdag ko pa sa sinabi ko. “Sus, hindi ka lang talaga nakikinig sa teacher mo.” Pang-aasar naman n’ya sa akin. “Nakikinig ako, mahirap lang talaga s’yang intindihin at nakakaantok s’ya magturo.” Depensa ko sa sarili ko. Tumayo s’ya at lumapit sa study table ko, kinuha n’ya yung isa sa mga drawings ko. “Gawa mo ‘to?” Tanong n’ya na may halong pagkamangha. “Yup.” Proud na sagot ko. “Gusto mo turuan kita magdrawing or magpaint?” I asked him. Gusto ko rin talaga s’ya turuan. Kapag talaga nakikitaan ko ng interest yung isang tao sa arts natutuwa ako. “Sige sige gusto ko yan.” Excited na sabi n’ya. “Okaaay.” Kumuha ako ng oslo paper, canvas, pencils, acrylic paint at brushes. Dinala ko yun sa sahig sa tabi ng kama ko, hindi kami kasya sa study table ko, bukod sa maliit, madaming gamit na nakalagay. “Here oh” Itinuro ko sa kanya yung mga gamit. “Ano bang gusto mong matutunan?” Masayang tanong ko. “Kung anong gusto mong ituro.” Parang batang sagot n’ya. Tumango naman ako at inabot sa kanya ang paper and pencil. Meron din ako ng sa akin. Kinuha ko ang phone ko at naghanap ng pwedeng gayahin na drawing sa pinterest, habang s’ya pinaglalaruan yung mga brushes ko. I saw a simple drawing, It’s a girl with some fairy features, madali lang ‘to kaya magagawa n’ya ‘to. I saved it and send the photo to him. Tumunog naman ang phone n’ya. “Ano ‘to?” Tanong n’ya, tinitigan n’ya yung picture. “Ayan yung gagayahin natin.” Sagot ko naman sa tanong n’ya. “Ito? Parang mahirap.” Napakamot pa s’ya sa ulo n’ya. “Madali lang yan, kaya nga tuturuan kita eh.” Pag convince ko sa kan’ya. “First mag-sketch ka muna ng ganito.” Pinakita ko sa kanya kung paano magsketch at ginagawa naman n’ya. “Wag mo muna didiinan yung paggamit sa pencil, magaan lang muna, para madali mabura kung sakaling magkamali ka.” Turo ko sa kan’ya. “Okay bub.” At seryosong nagpatuloy sa pagdodrawing. Tinuruan ko s’ya hanggang sa matapos kami. “Tapos na!” Tuwang tuwang sabi n’ya at ipinakita sa akin ang drawing n’ya. Maganda yung gawa n’ya para sa isang baguhan na tulad n’ya, hindi panget, hindi rin super ganda, It’s in the middle. “Ang ganda naman.” Proud na sabi ko. “Talaga ah? Baka inuuto mo lang ako ha!” Tinititigan n’ya maigi yung gawa n’ya. “Oo totoo, maganda nga, saka beginner ka pa lang, maganda yung gawa mo para sa beginner pa lang.” Paliwanag ko. Ngumiti naman s’ya dahil sa sinabi ko. “Magaling kasi yung nagturo eh.” Pambobola n’ya sa akin. “Bolero ka!” Natawa ako sa kanya. “Tapos na rin yung sa’kin.” I showed him my drawing. “Woooow! Bub ang ganda sobra!” Namamanghang sabi n’ya, parang nag heart shape yung mga mata n’ya. “Gayang gaya mo yung nasa picture, actually mas maganda pa nga eh.” Puri n’ya sa gawa ko. “Talaga? Binobola mo lang ata ako eh?” Tanong ko, pero deep inside kinikilig ako. Sa dami ng compliment na natatanggap ko mula sa mga drawings ko, sa compliment n’ya lang ako kinilig at natuwa ng ganito. “Hindi ah! Promise maganda.” Tumingin s’ya sa akin. “Pero mas maganda ka.” He smiled. Lalo tuloy akong kinilig sa sinabi n’ya. “Yieeee, nagbablush s’ya oh!” Pang-aasar n’ya sa akin. “Leche ka talaga! Dun kana nga!” Tumayo ako, hinila n’ya naman ang kamay ko kaya napaupo ako sa lap n’ya. “Ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo para sa’kin.” Sinabi n’ya yun habang nakatitig sa mga mata ko, ramdam ko yung sincerity n’ya. Natuod naman ako sa sinabi n’ya at hindi naka react agad. Nakatitig lang s’ya sa mga mata ko at dahan dahan aking hinalikan sa noo. “I love you.” Mahinang sabi n’ya. Hindi agad ako nakasagot dahil sa ginawa n’ya. Natawa s’ya sa reaction ko. “Ang cute mo hahaha.” Nahiya naman ako kaya dali dali akong tumayo. “Anak?” Tawag ni mama. “Bumaba na kayo at kumain na.” Sumilip s’ya sa pinto at ngumiti. Narinig namin s’ya agad kasi hindi naman nakasara yung pinto. Wooooo! Thanks ma for saving me in this situation, na sa sobrang kilig ko wala na akong masabi HAHAHAHAHA. “Opo tita.” “Opo ma.” Sabay naming sabi. Inayos ko lang ang mga gamit namin at saka sumunod kay mama. Tumingin ako sa oras, 6:03pm na pala ang tagal pala namin magkasama hehehe. “Tara na.” Yaya n’ya at hinawakan ako sa kamay. Nag-umapaw na naman sa sayo yung puso ko dahil doon. Pumunta kami sa dinning ares at nagsimulang kumain. “Hijo kamusta ka?” Tanong ni Lola, kamusta eh parang kaninang hapon lang magkausap sila HAHAHAHA. “Okay naman po lola, masaya po kasi sinagot na po ako ni Maui.” Hindi mawala sa mga labi n’ya yung ngiti habang sinasabi iyon. “Aba eh sino ba naman hindi? Ako din eh masaya dahil alam kong nasa mabuting kamay ang aking apo.” Natutuwa ako dahil sa sinabi ni lola. “So kailan ang kasal?” Parehas kaming nabulunan ni Jeixz sa sinabi ni mama. Natawa naman sila ni lola sa reaksyon namin pati ang mga kapatid ko. “Itong mga ito naman, biro lang.” tawang tawa talaga s’ya. Nagpatuloy kami sa pagkain at nagkwentuhan. Pagkatapos ay nagvolunteer si Jeixz na s’ya ang maghuhugas ng mga pinggan pero hindi pumayag si mama pati si lola, magpahinga na lang daw s’ya, unfair ha? Pag ako pinaghuhugas pag si Jeixz volunteer na ayaw pa nila? HAHAHAHAHAHA. Nagpapalakas pa lalo kay lola at mama eh. Nasa garden kami ni Jeixz. “Ang daming mga halaman ni lola mo no?” Tanong n’ya out of nowhere. “Mahilig talaga s’ya sa halaman, pati si mama ganon din.” Sabi ko. “Dati nga eh nung nasira ko yung isa sa halaman ni lola galit na galit s’ya sa akin pinalo ako haahahaha.” Kwento ko sa kan’ya. “Makulit ka kasi eh.” Kinurot n’ya ako sa ilong. “Dati yun ng bata pa ako.” Nagpout naman ako. “Hanggang ngayon makulit ka pa rin.” At tumawa s’ya. “Ah talaga ba?” Tinarayan ko s’ya. “Ay meldita ka ghorl?” Natawa ako kasi nagbakla baklaan s’ya. “Ayan ah napasaya na kita, baka lalo ka mainlove n’yan sa’kin.” Biro n’ya. “Hay ewan sayo.” At lalo akong tumawa. Tumingin s’ya sa phone n’ya. “Bubby 8:01 pm na, uwi na ako.” Sabi n’ya bigla. “Oo nga pala anong oras na baka hanap ka na sa inyo.” Nag-aalala ako, baka kasi pagalitan s’ya eh. “Hindi ako papagalitan wag ka mag-alala.” Para bang nabasa n’ya yung utak ko. “Alam ni mama na andito ako sa inyo.” He pinched my nose again, he always do that. “Sure ka ah?” Tumango s’ya bilang sagot. “Tara paalam ka na kay mama at lola.” Hinila ko s’ya papuntang sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD