Chapter 3
“Wala kuya, lumabas daw tumawag daw yung Luis.” Bulong ni Angelo sa gilid ko dahil hinihingi niya ang number ng kapatid ko. Sumama ang mukha ko dahil sa sinabi niya. I went to the dance floor to check on my friends, dance and mingle. Nagbilin ako kay Carrie na huwag iwan si Louise dahil lasing na.
Some random girl is dancing in front of me grinding her a*s on me at kung hindi ko lang kasama ang kapatid ko ngayon ay paniguradong this is going to be my usual night. But with regards on what Gelo said kinabahan ako dahil baka kung ano ang mangyari sa kapatid ko.
“Selos ka?” I teased him instead para mabawasan ang aking pagaalala. I know na kahit papaano, Louise can handle herself well. Nakangisi pa ako dahil nakasimangot sya, siguro dahil sa ingay o dahil sa hindi niya iyon macontact.
“Alam mo naman na yon. Ikaw baka magselos ka. Si Carrie ayun may kausap na dun sa upuan, gwapo ahh. Mukha pang mayaman. Salamat.” Ibinalik niya sa akin ang aking telepono ngayon ay nagbaliktad na ang aming itsura. Ako na ang gusot ang mukha at siya na ang naka ngisi. Tumalikod na lang siya at nagmamadaling lumabas para siguro hanapin si Louise.
Thinking on what he just said, kanina pa ko naiinis sa babaeng kaibigan ng kapatid ko. Her dress is too short, and it is body hugging. Mabuti na lang at medyo dulo ang naipareserve kong pwesto namin kanina. Sure, boys will be eyeing her, kailangang bantayan at mahirap ng mapaaway.
Nang maipakilala ko ang mga kaibigan ko kanina ay mas lalo lang akong naasar. Dapat pala ay hindi ko na sila niyaya. Lantaran ang pakikipag flirt ng mga ito kay Carrie at Louise. Louise is already off limits because in the law, she is already married to Angelo. Hindi pa nga lang niya alam but I know that Angelo will soon tell her.
I do not know why I am feeling this way. Nagulat ako ng makita ko si Carrie sa kwarto ni Louise that day. Akala ko ay ang kapatid ko lang ang uuwi but to my surprise her friend is lying on her bed when I entered her room. Hindi lang ako nagpahalata na bago ko makita ang kapatid ko ay sya ang unang nakakuha ng atensyon ko.
Nakikita ko naman sya sa New York noon kapag dumadalaw ako. All I can say is that she grew beautifully. Her almond brown eyes that always smiles and her natural pouty pinkish lips. Honestly, matagal ko ng pinipigilan ang sarili ko para ligawan sya.
Una dahil kaibigan sya ng kapatid ko, what if it didn’t work? Hindi lang ang relasyon naming ang masisira pati na rin ang sa kanila ng kapatid ko and what’s worse is kapag nagalit sa akin si Louise. Pangalawa, I am still not over with my first love at that time. I want to heal first so that I won’t hurt the next girl I want to be with.
Bago pa ko pa man maramdaman ang ganoon sa kanya ay lingid sa kaalaman ng iba na si Carrie pa ang tumulong sa akin noon para ligawan si Eli. Giving me tips kung anong mga sweet na bagay na pupwedeng gawin para mapasagot ko sya. Until I got busy at nagkahanap si Eli ng iba and decided to leave me instead to fight for our relationship. Si Carrie pa rin ang tinakbuhan ko ng mga panahon na yon, giving me courage to face the world again.
These past few years ay siya ang lagi kong nakakausap sa mga bagay bagay. She’s always available, I can call her all every time I need someone to talk to kahit pa sabihin mong magkaiba ang time zone namin. I can talk to her sa kahit ano pang bagay, she always understands at ni minsan ay hindi ko sya narinig na nagreklamo sa kakulitan ko.
I am so thankful for her because she’s the one beside my sister when she’s away, alam kong hindi nya papabayaan si Louise kaya pinakiusapan ko sya noong smahan niya ito sa U.S. After all these years, she’s my most trusted person.
Nung nakita ko sya ulit nakaramdam ako ng kaba, she is so beautiful. Her hair is now long, her milky skin suits her well maybe because of the weather in States. I am smiling widely on the inside dahil sa pagbabalik nya.
Hindi ko nga lang alam bakit hindi ko iyon maipakita. Maybe because of my sister, dahil paniguradong aalaskahin ako non.
“See you around.” Bulong ko sa babaeng nasa harap ko. I need to get away from here and check on Carrie.
Hindi ko na binigyan pa ng pagakakataon ang nasa harap ko para tumanggi, I immediately turned my back at her. Kung hindi nagbibiro si Gelo I have to move fast and get Carrie away from that guy kung hindi naman ay pipilipitin ko ang leeg nya bukas sa pangloloko sa akin.
Malayo pa lang nakita ko ng meron ngang kausap si Carrie sa aming lamesa and for some fvcking reason I was so pissed when I see her laughing with the guy. This is insane, but I can feel jealousy dripping in my veins scattering all over my body.
Malalaki ang hakbang kong nilapitan sila at sitahin.
“Carrie.” I called her attention using my cold and venomous tone. Hindi ko mapigilan, I can’t and don’t want to see her talking to other guys openly like this. Feeling ko ay lumalamang sila sa akin, diba ako lang naman ang nakakausap niya ng ganoon? Baki ngayon may kausap syang iba, nagtatawanan pa?
“Nicolo.” Nataranta sya ng makita nya ko at tumayo. Pagkuwan ay tumayo na rin ang lalaking katabi niya.
“Jeremy Francisco, pare.” Sabay abot nito ng kamay sa akin pero hindi ako plastic na tao, kung ayaw ko ay ayaw ko, at nagkataon na ayaw ko sa lalaking ito. I only stare at his hand, rude na kung rude but this is my way of telling him to back off.
“I u-uhm accompanied Carrie, nakita ko kasing wala syang kasama.” Paliwanag pa niya. Ayokong magsalita dahil paniguradong hindi maganda ang masasabi ko at baka mauwi pa sa g**o. I am keeping myself intact kahit na sobra sobra na ang galit at selos nanararamdaman ko.
“It’s okay Jeremy. I love your company.” I saw her tapped this guy’s back. FVCK!
“Salamat naman kung ganon. See you around?” You will never see her again asshole. I want to shout at him, at them but I am keeping it under control. Baka matakot ko si Carrie at hindi ko gusto iyon.
“Yeah, see you around.” She smiled at him.
“I’ll go ahead.” Paalam noong Jeremy. Buti naman at umalis na dahil kung hindi ay ako na mismo ang magpapaalis sa kanya. Nang makita kong mejo malayo na ito at may pailan ilan na lang ang dumadaan malapit sa aming lamesa ay nagsimula na kong magsalita.
“What the hell was that?” I snapped.
“What?” Maang niyang tanong.
“Umalis lang ako sandali kung sino sino na ang kausap mo? You even let my sister go out without you. Pano kung may mangyaring masama sa kanya sa labas? Binilinan kita diba?” I am so mad. Bago lang sila rito sa Mnila, matagal silang nawala. Iba na ang panahon ngayon sa panahon bago sila umalis. People are more aggressive and more persistent than before.
More than anything, I am mad at myself dahil hindi ko sila nabantayan. Ayoko naman kasing isipin niya na binabantayan ko sila. I want them to feel that they can enjoy their days here na walang pipigil sa kanila. Ayoko silang masakal ng dahil lang sa paghihigpit ko.
“First of all, hindi ka sandali lang nawala Nicolo. I’ve been here in this couch for almost an hour now. Second, your sister can handle herself well. Third, may I remind you that I am not your maid nor your sister’s nanny, hindi mo ako utusan na handang sundin lahat ng gusto mo.” Umakma siyang magsasalin na naman ng alak sa baso kaya mabilis kong inagaw ang bote sa kanyang kamay.
She is obviously drunk lalo na at kanina pa kami umiinom.
So, this is what she’s feeling, that she’s my maid? Did I make her feel that way? I am so fcvked up kung ganoon.
“What the hell is wrong with you?!” Singhal nya sa akin. I was stunned. Ito ang unang pagkakataon na sinigawan niya ko. Honestly, pinipigilan koang matawa because she’s so cute when she’s pissed.
“Kanina ka pa ah! Look, I don’t need your saving or your protection. I am not your sister. I can handle myself. Hindi mo dapat ako pinagbabawalan sa kung anong ginagawa at kung sinong kinakausap ko!” Pagpapatuloy niya.
That’s my point, ayoko syang pagbawalan sa ginagawa at kinakausap nya when I can protect her discreetly, pero ayokong may kinakausap syang iba. I don’t want her flirting with other guys!
“I know! I don’t want you to be my sister! I don’t want to look over you all the time either! But you’re my sister’s bestfriend kaya ko ginagawa to!” I don’t want to look over you all the time because I want you beside me every damn time. Paniguradong magagalit sa akin ang kapatid ko kapag hindi kita inalagaan.
Gustong gusto kong isunod sa kanya yan so she could understand but not yet. Not until mawala muna ang awkwardness sa pagitan namin dahil sa ilan taon niyang pagkawala.
“Yeah, I am just your sister’s bestfriend no need to look after me. You know what? Get lost! I don’t need you! Fvck you!”
I am doomed. I sighed, sorry but you will no longer get away from me Carrie. Bahala na, but I am hoping that this could be our time.
“You’re wrong. You need me. You’ll need me.” I said firmly.
Pinatayo ko sya at hinatak papalabas ng bar. I immediately wrap my arms around her ng dumaan kami sa dance floor, baka mabunggo sya ng kung sino. Hindi na rin diretso ang kanyang lakad kaya kailangan niya ng pagalalay ko.
Nang makarating kami sa sasakyan ko ay agad ko iyong binuksan at pinapasok siya sa loob. I turned into the driver’s seat at inayos ang kayang upuan. Bahagya ko iyong inihiga para maayos ang kanyang pwesto. I put on her seat belt at hindi maialis na hindi ko matitigan ang kanyang magandang mukha.
She’s like a sleeping baby, bahagy pang nakawang ang kanyang labi. I wonder how it felt against mine. I was so damn close in kissing her and tasting those lips pero bago ko pa magawa iyon, I heard her cute snore.
Natawa na lang ako at nailing. This girl is really something. Hinawi ko ang mga takas na buhok sa kanyang mukha. She’s still coping with the time zone kaya marahil ay pagod at puyat pa rin siya ngayon. Samahan pa ng alak ay hindi iyon magandang kombinasyon.
A bright idea comes into my mind. Wala siyang kasama sa kanila so better yet ay iuwi ko na lang rin siya sa bahay. I want to know how it feels to sleep and wake up beside her.
While maneuvering my car going home ay tumawag si Angelo informing me that Louise is with him at siya na daw ang bahalang maguwi sa kanyang asawa kaya nakahinga ako ng maluwag. Good thing that she’s safe.
Si manang pa ang sumalubong sa amin pag dating sa bahay. It’s almost five in the morning at malamang na mamamalegke sila kaya ganito sila kaaga nagising.
“Oh Nicolo, aba’y idiretso mo na yan si Carrie sa guest room. Pinahanda iyon ng mommy mo kanina akala niya ay dito tutuloy si Carrie.” Salubong niya ng buksan ng malaki ang awang ng pinto.
“Ako na po ang bahala kay Carrie, sa kwarto ko na po ito papatulugin. She’s so drunk baka magsuka pa po, ako na po ang aalalay.” Dire diretso ko paakyat ng hagdan habang kalong kalong ko sya.
My heart is at light, she’s snuggling at me. Pakiramdam ko ay gusto nyang nakasiksik sa akin.
“O sya sige, magaakyat ako sa kwarto mo ng mainit na tubig para mapunasan mo sya. Magingat ka sa pagakyat at baka mahulog kayo.” Bilin pa niya.
I placed her on my bed at agad na kumuha ng damit na pwede niyang pamalit. I got a new white vneck shirt and a boxer. I could get some clothes from my sister’s closet, but I want these better.
Tama naman na pagkalabas ko ay pumasok na si manang na may dalang palanggana na may maligamgam na tubig.
“Nicolo, ito na ang maligamgam na tubig. Pahiram ako ng bimpo at pupunasan ko na si Carrie.” Inilapag niya ang dala sa may baba ng kama.
“Ako na po ang bahala manang, maaabala pa po kayo ang aga aga pa.”
“Sigurado ka?”
“Opo.”
“Sige ako’y bababa na at mamamalengke pa kami ni Daniel. Pagkatapos mo ay iwan mo na lang iyang palanggana at ako na ang bahala magayos mamaya paguwi namin.”
“Opo. Sige po.”
Paglabas niya ng aking kwarto ay kumuha na ako ng malinis na bimpo sa banyo. I soaked it in the basin inuna kong punasan ang kanyang mukha pababa sa kanyang leeg.
I didn’t know that sponge bathing someone would be this hard. Mabilisan ko syang pinunasan at nakapikit na pinalitan ng damit because I if I didn’t, siguradong pagsisisihan ko ang susunod na mangayayari. In a way that I would lose a chance on her but on the other hand sigurado ring wala na syang kawala sa akin kapag ganoon ang nangyari.
Dumiretso agad ako ng banyo pagkatapos, I badly need a very very cold shower.
Tinabihan ko sya ng higa matapos maligo, nagkamali ako ng inakala kong mahirap na ang pagpupunas ko sa kanya kanina. Dahil mas mahirap ngayon lalo na ng gumalaw sya para yakapin ako. Dumantay ang kanyang kanang paa sa akin, her milky white long soft legs are on my stomach now and I am having a freaking boner.
Hindi pa siya nakuntento dahil kalaunan ay pumatong siya sa akin, making me her bed. Oh, good Lord, I know that I have sinned but please huwag Nyo naman po akong pahirapan ng ganito.
Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili, as I stroke her hair and hum, mumunting hilik naman ang isinasagot niya sa akin. I did it for a couple of minutes hanggang sa tamaan na rin ako ng antok at last.
-----
My head is throbbing when I woke up kaya hindi ko muna binuksan ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko rin ang aking paligid, the last thing I remember was when Nicolo deposited me on his car after that ay wala na. Hindi ko nga alam kung saan niya ako dinala, ng maisip ko yon ay bigla kong minulat ang aking mata.
Una kong nakita ang gray na dingding, where the hell I am. Sunod kong naramdaman ay ang paggalaw ng nasa ilalim ko, nanlaki ang aking mga mata ng naramdaman kong I am on top of someone’s breathing body and this someone’s hand is at my back, hugging me.
Akmang tatayo ako ng mas lalong hinigpitan ng taong ito ang pagkakayakap sa akin. Nagangat ako ng tingin at ang mas lalong nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino ang kayakap ko ngayon.
Sh!t. Sh!t. Sh!t. What happened last night?!
Nang dahil sa taranta ko ay mabilis akong umupo at tiningnan siya habang iniisip kung anong nangyari kagabi. Pero kahit nong halungkat ko sa utak ko ay hindi ko talaga maalala kung anong sumunod na nangyari pagkatapos nya akong pinasakay sa kanyang sasakyan.
I should not drink again like that. This is so wrong.
“Baby, you do realize that you’re on top of me, right? Please don’t give me another hard time.” He said in a sexiest bedroom voice I’ve ever heard, mas sexy pa ata kay Changing Tatum sa Magic Mike.
“Holy s**t!” Mabilis akong umalis sa pagkakaupo sa kanyang tiyan. Habang ang mukha ko ay tila hinilamusan ng tamato sauce sa sobrang pula. Mabuti na lang at pupungas pungas pa siya kaya hindi nya masyadong nakita ang aking mukha.
“Don’t curse.” He said.
“What happened? Where am I?” Lito kong tanong.
“You don’t remember, what happened? Why are you in my room, in bed perhaps? Why are you wearing my clothes?” Sunod sunod niyang tanong habang ako ay palaki ng palaki ang mata.
Indeed, I am not wearing my clothes from last night, only a plain white vneck shirt and a boxer which I bet is his. Mas lalong sumakit ang ulo ko sa kakaisip ng mga posibilidad na mangyari kagabi.
Naramdaman kong umuga ang ang kama indikasyon na gumalaw sya. Nilingon ko sya, now he is sitting while resting his back on the headboard.
Nahihiya man ay tinanong ko kung ano ang naiisip kong dahilan kung bakit ganito ang suot ko at bakit ganoon ang ayos naming ng magising ako.
“We…W-we didn’t…Did we…” Hindi ko matapos tapos ang gusto kong itanong dahil sa kahihiyan.
“Did we what, baby?” Nakangisi niyang tanong sa akin. His smile is creeping the hell out of me.
“Did we do it?” Lakas loob kong tanong.
Humagalpak siya ng tawa pagkarinig niya ang tanong ko. s**t. I feel like crying because of his reaction. Sobra sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon. Parimdam ko napaka baba kong klase ng babae.
“Relax Carrie don’t worry we didn’t do it. I’m not like that.” Nang mahimasmasan sya sa pagtawa. “Your reaction is priceless.” Dugtong pa niya.
At dahil sa pagka pahiya ay tumayo ako sa kanyang kama.
“Where’s my clothes?” Pinalis ko ang mga luhang sunod sunod na dumadaloy sa aking mga mata at pilit pinapatatag ang boses.
“Hey.” I felt his presence at my back kaya madali akong lumayo.
“Where’s my clothes?” Ulit kong tanong.
“I’m sorry. I didn’t mean to.” Nakalapit siya sa akin at niyakap ako mula likuran.
But the warmth of his body is not enough to lessen the pain I am feeling right now.
“Where’s my clothes Nicolo?” Matigas kong sabi. I felt him let out a deep breath at ipinatong ang kanyang noo sa aking balikat.
“I’m sorry Carrie, I’m sorry. Please don’t cry. I’m sorry.” The sincerity in his voice is obvious but the pain inside me is way too vast that his sorry cannot mend it.
Kinalas ko ang kanyang kamay sa aking baywang at naglalakad papuntang banyo. Maybe my clothes are here, hindi ko na nga naisip kung sino ba ang nagpalit ng damit ko kagabi. All I want for now is to get away from here, from him.
Isa lang ang naiisip ko at iyon ay ayaw ko na syang makita. Ayaw ko na syang makasama. The Nicolo I loved before is different from the Nicolo I am with now.
Oo at maloko sya noon but not like this. Ito ang unang pagkakataon na umabot ang pagiging maloko nya at sa ganitong bagay pa. Do I deserve this kind of treatment? Ganito ba kababa ang tingin niya sa akin?
I tried to suppress my tears from falling pero hindi ko pa rin mapigilan. Kaya inubos ko muna ang luha ko bago lumabas ng banyo na nakapag palit na.
Nakita kong nakaupo sya sa gilid ng kama at nakapatong ang kanyang ulo sa dalawang kamay, nakapagpalit na rin sya ng damit at hindi na nakapantulog. When he felt my presence ay agad siyang nagangat ng tingin.
“Carrie…” He immediately stood up para salubungin ako. “Please.” He reached for my hands na agad ko namang inilayo.
“Thank you for bringing me home, I mean here last night. I have to go.”
“I’m really sorry. I didn’t mean to laugh at you earlier. Please forgive me.” Tumango lang ako at hindi na nagsalita.
Bago pa ako makapaglakad ay naabot na niya ang aking siko. “Let me drive you home.”
“No need. I can find my way home.”
“Please Carrie just let me do it.”
There’s no point para makipag patigasan ako sa kanya dahil alam kong hindi niya ako papayagang umuwi magisa.
Lumabas ako ng kanyang kwarto at dumiretso sa baba. Nakasalubong ko si tita na papalabas ng kusina.
“Oh Carrie, sandali na lang at maluluto na yung pagkain.”
I smiled at her. “Hindi na po tita uuwi na po ako. May kailangan din po akong asikasuhin sa bahay.” Pagpapalusot ko.
Napansin ko naman na ibinaling niya ang kanyang tingin sa aking likuran.
“Nicolo.”
“Ihahatid ko na si Carrie, Ma.”
“I told you I can find my way home.” Hindi ko mapigilan ang inis ko. Baka sakaling matulungan ako ni tita para makawala sa kanya at pabayaan na akong umuwing magisa.
“No. I will drive you home.” May pinalidad sa kanyang boses sa pagkakasabi noon.
Naiiling naman na nagpalipat lipat ng tingin sa amin ang kanyang mommy.
“Nicolo. I’m warning you.” Tiuro pa nito ang anak gamit ang hintuturo.
“Ma, later. Ako na ang bahala kay Carrie.” Ang pagaakalang mailalayo ako ni tita sa kanyang anak ay hindi nanagyari. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang nagpaalam kay tita.
“I’ll go ahead po. Please tell Louise that I’ll message her na lang po.”
“Sige. Magingat kayo.” Binalingan nito ang anak. “Nicolo, si Carrie.” Bilin pa nito.
“Yes, Ma.”
Nakikinikinita ko na. This will be the worst travel going home.