Chapter 5

2057 Words
Nang mawala sila sa aking paningin at doon ko lang napansin ang maingay na paligid namin. Kanya-kanya sila ng usapan, may iba pang naghahabulan at nagsusulat ng kung anu-ano sa unahan. Nahulog ako sa isipin sa kung anong dahilan ng pagpunta niya dito, imposible namang tanggapin siya dito upang maging isa sa mga guro dito. "Suzy," tawag sa akin ni Cass. "Hmmn?" "May bago daw tayong teacher," bulong niya. Agad kumabog sa kaba ang aking puso, hindi ko maipaliwanag kung ano ang ikinakatakot ko. Ako lang yata ang nakakaalam na pagka guro ang tinapos ni Kuya Vandrou. "Sino ang nagsabi?" "Hindi mo ba sila naririnig?" turo niya sa mga kaklase naming hindi magkamayaw sa pagtsi-tsismisan. Agad akong napaayos ako sa pagkaka upo nang aking makita ang pagpasok ng aming subtitute teacher. Siya si Miss Lala sa adviser rin ng third year, kaka-resign lang ng luma naming adviser dahil sa matitigas ang ulo ng mga estudyante niya at isa na kami doon ni Cass, actually ako lang pala. "Goodmorning class!" bati niyang malawak ang ngiti sa lahat, ngunit tulad nang nakagawian na walang pumansin sa kanya kahit na isa. Nagdaldalan ang mga babae at nagharutan naman ang mga classmate kong lalaki. Napailing nalang ako sa nakita, nang bigla siyang sumigaw na ikinagulat ng lahat. "Students!" pero kagaya kanina, wala pa ding epekto ito sa mga matitigas ang ulong estudyante. Nagpatuloy sa kanilang ginagawa ang mga kapwa ko estudyante, hindi na ito bago sa aking paningin. Nakita ko ang kanyang pagtitimping ginagawa, malapit na siyang magalit nang dahil siguro kanina pa siya nagsasalita ngunit walang nag a-aksayang makinig sa kanyang sasabihin. "Gusto ko lang ipaalam sa inyo na may bago na kayong adviser!" mahinang wika niya na naging sapat na dahilan upang tumahimik ang mga nagdadaldalan. Narinig ko ang pagpasok ng bago naming teacher pero hindi ko ito tiningnan at pinansin, hindi na ito bago sa akin dahil nakailang guro na kami bago dumating si Miss Lala. Isinubsob ko ang aking mukha sa aking upuan, nakakatamad na namang linggo ito. Walang humpay rin na nag-iritan ang mga kaklase kong babae, positive na lalaki ang bago naming guro. "Ang gwapo ng bago nating teacher!" "Hindi na ako mag-iingay!" "Hindi ko na magagawang lumiban!" "O my gosh!" Naramdaman ko ang kanina pang ginagawang pagsiko ni Cass sa akin, sigurado akong humahanga rin 'yan sa bago naming guro. Hindi ko siya pinansin pero bumangon ako sa pagkakasubsob at nakasimangot na humarap sa kanya. "Bakit ba?" iritado kong tanong sa kanya. Tiningnan niya akong mabuti kasabay ng pagtaas ng isang kilay niya. Pasimple siyang ngumuso sa unahan na agad ko namang sinulyapan. Mabilis ang aking naging pagtayo sa labis na pagkagulat. Hindi na dapat pa akong ma-surpresa dahil nakita ko na siya kanina sa ibaba, pero kakaiba pala talaga 'yong pakiramdam sa totoong nangyayari na. Laglag ang panga ay wala sa sarili kong hinampas ng malakas ang aking armchair kung kaya't nabaling ang lahat ng kanilang atensyon sa akin, maging ng atensyon ni Kuya Van. Nagtatanong akong tumitig sa kanya pero hindi niya 'yon pinansin, sa halip ay nagsalita siya upang ipakilala ang kanyang sarili sa buong klase. "My name is Vandrou Lim. I'm twenty five years old. Ako na ang bago niyong adviser simula sa araw na ito, maaari niyo akong tawaging teacher Van or Sir Van, it's up to you. Sana ay maging maayos ang samahan nating lahat hanggang sa matapos ang taong ito. Ikinagagalak kong lahat kayo ay aking makilala." Ang klaseng tila ba dinaanan ng tsunami kanina ay naging maingay na naman na para bang fireworks na muling sumabog. Kanya-kanyang papuri sa ganda ng pangalan niya at kung anu-ano pa. I'll never know, that Kuya Van is a bit popular when it comes to girls. "Bakit Miss, may sasabihin ka pa ba?" baling na tanong niya sa akin sa pormal na tono. Doon ko palang napagtanto na nakatayo pa rin pala ako. Dahan-dahan  akong naupo at nababahalang nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ito maganda, hindi ako pwedeng maging pasaway sa kanya dito dahil maaaring pag-uwi namin ng bahay ay pagagalitan niya ako. Mukhang minamalas talaga ako ngayon, magiging teacher ko ang aking lihim na asawa, nasaan ang hustisya doon? Hindi ko maitago ang labis na pagkainis ko sa kanya, ako na nga itong umiiwas sa kanya upang walang makaalam na kasal kami pero heto siya, siya pa ang naglalagay sa amin sa sitwasyong alanganin. Nakita ko ang mapang asar na ngisi ni Cass sa akin, ang mga mata niya ay naglalaman ng mapanudyong mga tingin na alam kong may kahulugan. Nakakainis talaga! Humanda ka sa akin Kuya Van, pag-uwi natin. Ipinadyak ko ang aking dalawang paa sa sahig na lumikha ng nakakairitang ingay. "Class, makinig kayong mabuti sa akin." wika niya nang mahalatang hindi ako nakikinig sa kanya. Ang maghapong 'yon ay mas lalo pang nagpairita sa akin nang dahil sa mabagal na paggalaw ng kamay ng orasan. Gusto ko ng umuwi tanghali palang dahil hindi na ako makatiis na nakikita siya, pero hindi ko magawa. Maging sa cafeteria ng aming paaralan ay naging instant celebrity ang kanyang pangalan. "Teacher 'yon ng mga senior sa section one," komento ng isang junior nang mapag-usapan nila kung kanino itong adviser. "Ang gwapo talaga ni Kuya Van," bulong ni Cass habang abalang kumakain ng fries niya, "Sikat na sikat ang pangalan niya sa apat na sulok ng ating campus!" Hindi ko siya pinansin, sa halip ay pinagtutusok ko ng tinidor na hawak ang tocinong ulam. Ini-imagine kong mukha 'yon ni Kuya Van, na sinasaksak ko ng kutsilyo! "Suzy anong ginagawa mo?" nababahalang tanong niya sa akin. "Kumakain!" tugon kong isinubo ang tocinong gutay-gutay, "Kumakain ako Cass, hindi mo ba nakikita?" "Grabe ka ha!" turo niya ng straw ng softdrinks sa akin, "Ganyan ka ba kairita sa kanya?" Hindi ko na siya pinansin pa pagkatapos noon. Nagkaroon ako ng sariling mundo hanggang sa muling magsimula ang aming panghapong klase. Nang muling bumalik sa classroom ay nakahalukipkip lang ako at nakairap sa kanya, habang nag le-lecture siya. Ipinunas ko pa ang itim na tinta ng aking gamit na ballpen sa aking mukha, nang makita kong pinagmamasdan niya ako. Hindi nagbago ang mood ko hanggang sa makauwi kami ng sarili naming bahay. At dahil sa nakalipat na rin kami sa bahay namin, ay kaming dalawa nalang ang naririto. Padabog akong nagtungo ng aking kwarto para magpalit ng damit. Hindi ako makakapayag na araw-araw na nga kaming magkasama sa bahay, tapos sa school ay magkikita rin kami? Ano 'yon? Sobrang mahal na mahal namin ang isa't-isa at mami-miss niya ako ng sobra? Lumabas ako ng kwarto pagkapalit ko ng pambahay na damit. Naabutan ko siyang naka-upo sa mesa habang umiinom ng black coffee. At talagang feel na feel niya na teacher ko siya ha! Makikita niya! Tinungo ko ang kinaroroonan niya at nakasimangot na tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Humalukipkip pa ako sa kanyang harapan upang ipaalam sa kanya na hindi ko gustong nasa eskwelahan ko siya at makikita ko araw-araw. "Kuya Van!" pasigaw kong tawag sa kanya, na naging dahilan upang mag-angat siya sa akin ng kanyang paningin. "Bakit kailangan mong magtrabaho sa school na pinapasukan ko?!" sita ko sa kanya na patuloy lang sa paghigop ng kanyang kape. "Kuya Van!" ulit kong tawag sa kanya. Nakakinis ha! Tumingin lang siya sa akin na para bang walang narinig at saka malalim na bumuntong-hininga. "Okay!" baba niya sa tasa ng kape niya, "Sasabihin ko naman talaga ito sa'yo, kaya lang hindi ko naman inaasahan na sa klase mo pala ako magtuturo." paliwanag niya na inismiran ko lang, "Suzy, teacher ako hindi ba? At ang teacher dapat na nasa school nagtra-trabaho. Huwag mo ng gawin pang problema ito, dahil ayos lang naman ito, hindi ba?" "Kuya Van, ang daming school sa lugar na ito, bakit sa school ko pa?" kamot ko sa ulo, "Gusto mo ba akong bantayan 24 hours in 7 days?" mataray kong tanong na nakatitig sa kanya. Nakakainis naman kasi e, paano nalang kung malaman ng mga kaklase ko na kasal kaming dalawa? E di patay na ako? Sira na ang kinabukasan ko nang dahil sa kanya! "Little S, sorry pero may dalawa akong dahilan para mag trabaho sa school mo." salubong niya sa mga titig ko. "At ano naman 'yang mga dahilan mong 'yan?" Okay naman na magtrabaho ka doon sa school ko, pero sa mismong klase ko? Nakakainis na 'yon, pumayag na nga akong magpakasal tayo tapos makakasama pa kita sa school ko? Iyon na nga lang ang oras na hindi kita makikita eh!" padyak ko sa sahig na kinatatayuan. Hindi niya ba 'yon maintindihan? Hindi niya ba kayang unawain ang punto ko? "Sorry ulit Suzy, ang totoo niyan kaya ako nag-apply doon ay para may income tayo sa araw-araw. Ayaw ko namang umasa pa sa suporta ng mga magulang mo. At para maka-ipon na rin tayo, para sa future nating dalawa 'yon." mataman niyang tingin sa akin, sabay iwas ng paningin. "At saka para mabantayan na rin kita at masubaybayan kung ano nga ba ang ginagawa mo sa school, baka puro ka lakwatsa kaya mababa ang mga grades mo." Hindi ko pa din maintindihan! Nakakainis, ayos na sana 'yong mga dahilan niya eh, pero sabihan ba naman akong puro lakwatsa? Ang kapal niya ha, hindi niya na ako kailangan pang bantayan, I'm old enough to take good care of myself. Itinuturing niya talaga akong bata! E ano pa nga bang magagawa ko kundi ang sang-ayunan ang nais niya sa ayaw at sa gusto ko. "Fine!" pagsuko ko sa mga dahilan niya, "Subalit wala pa ring dapat makaalam sa sitwasyon nating dalawa. Ayaw kong pag-isipan ako ng masama ng mga kaklase ko at pag chismisan nila ang buhay ko. Okay lang kung buhay mo lang ang mauungkat, e paano naman ang buhay ko?" mahaba kong litanya habang nakapameywang sa harapan niya. Ngumiti siya sa akin at tumango na para bang may sinabi akong dapat niyang ikatuwa. "Oo naman Suzy, ikaw talaga. Walang makakaalam sa school na tayong dalawa ay mag-asawa." ngisi nito na agad kong ikinakilabot. "Correction Kuya Van, sa papel lang tayo mag-asawa. And we are fixed marriage at hindi ikinasal dahil gusto natin ang isa't-isa." irap ko sa kanya. Tumayo siya at ginulo ang aking may kahabaang buhok.  "Oo na, oo na!" wika niyang parang aliw na aliw pa sa aking ginagawang pagrereklamo. Napangiti na din ako sa ginawa niya kaya, ang kaninang lukot-lukot kong mukha ay bumalik na sa dati at naging maayos na. Ganito ba talaga kapag bata ka pa? Napakababaw ng kanyang dahilan pero agad niya akong nauto? Sana ay maging mabilis na ang aking pagtanda. Sana ay maging matulin na ang paglipas ng panahon, nang sa ganon ay hindi na ako matawag pang isang bata. Mabilis na lumakad ang mga araw at ilang buwan na ang lumipas. Nasanay na akong kasama sa bahay si Kuya Van. Sa katunayan nga ay parang hindi na ako makakatulog hangga't wala siya sa aking tabi. Hmmn, huwag maging berde at madumi ang mga utak niyo, wala pang nangyayari sa amin kahit mag-asawa na kami. Magkatabi lang kaming natutulog dahil ayaw naming maghinala sina Mama, Papa, Kuya Shawn at lolo na hindi maayos ang pagsasama naming dalawa. Minsan pumupunta sila dito pagtulog na kami at cheni-check kaming dalawa. Kadalasan nga bago kami matulog na dalawa ay naghaharutan pa kami hanggang sa makaramdam ng pagod at makatulog nalang. Halos ilang buwan na din siyang nagtuturo sa school namin at naging maayos naman ang pakikitungo ng mga students sa kanya. Ang dating maingay at magulong klase namin ay naging maayos nang dahil sa kanya. Naging masipag na din akong mag-aral, ikaw ba naman ang maging asawa ng teacher mo malamang mag-aaral kang mabuti, dahil mahihiya ka sa kanya kapag mababang grades ang iyong nakuha. Tinuturuan niya din ako ng mga lessons kapag hindi ko ito gaanong naiintindihan o hindi ko talaga maintindihan. Ang dating malaking espasyo sa pagitan naming dalawa ay unti-unti nang naging maliit, at tuluyan nang naglaho. Naging komportable na rin ako sa presensiya niya at sa palagi siyang kasama at nakikita. Si JB? Ayon, patuloy pa din akong may gusto sa kanya at lagi ko siyang dinadalhan ng pagkaing niluto ng aking asawa sa practice niya. Nakakaguilty man pero iyon ang gusto ko at isa siya sa mga kasiyahan ko. Masama bang hangarin ko pa rin ang isang bagay na alam kong mahirap kunin? Kasalanan ko bang patuloy na humanga at magkagusto sa kanya kahit na nakatali na ako sa apelyido ng iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD