Chapter 16

3164 Words

Nasa sasakyan na kaming dalawa ni Kuya Van upang pumunta sa bayan at kumain, hindi ko maitago ang aking kasiyahan sa maaaring mangyari doon. Nang sumapit kami sa sangangdaan na naghihiwalay sa daan patungo sa bahay at sa bayan ay agad kaming inistorbo ng tunog ng kanyang telepono. "Hello," sagot niya dito habang bumabagal ang aming takbo. Mabilis akong napatingin sa kanya ng ihinto niya ang sasakyan at mabilis siyang umibis dito. Sa kanyang itsura ay makikitang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Sa bawat bukas ng kanyang bibig na hindi ko mahulaan ay nagbibigay sa akin ng labis na kaba. May hindi ako mawaring kutob dito na sana ay hindi totoo at mali ang kutob ko. "Sino 'yon Kuya Van?" usisa ko pagbalik niya ng sasakyan. "School," tipid niyang sagot sabay sulyap sa akin, "Little S,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD