Binalot kaming dalawa ng nakakabinging katahimikan. Hindi na ako nagsalita pa tungkol sa mga nangyari five years ago dahil ayaw ko ng marinig pa ang mahaba at masakit na sagot niya dito. Ang paghingi niya ng sorry ay sapat na para patawarin ko siya at bigyan pang muli ng isang pagkakataon o huling pagkakataon, pagkakataon na alam kong hindi niya na sasayangin pa. "We need to eat something Kuya Van," suhestiyonko upang basagin ang katahimikan. "Sige, saan mo gustong kumain?" "Jollibee?" patanong kong tugon. "You're not a kid anymore Little S," tugon nitong tinitigan akong mabuti. "I know, pero saan tayo kakain?" tanong ko sa kanya, "At kung hindi na ako bata stop calling me Little S," Malakas siyang tumawa at kapagdaka ay tumayo, "Okay let's go to Jollibee," saad niyang kinuro

