AUDRIE "Para saan naman po ito?" Tanong ko kay Lola Zai, kanina pa ako nag iikot, hindi ko na din alam kung naka ilang oras na ako dito, pero talagang mauubos ang oras mo sa dami ng pwedeng tignan, at basahin, sobrang nakaka relax din ang paligid, kaya naman hindi ko alintana ang oras. Napatingin ulit ako sa hawak ko na compass, pero unlike ng common, marami itong pihitan, pero tatlo lang ang kamay, kulay tanso ito kaya mas nagmukha talagang ancient times ang kagamitan na to. "Para yan sa mga may ziel na kayang pahintuin ang oras, kumbaga pangontra yan, lalo na kung nakataon ang mga nasa misyon na paglaruan ng ibang nilalang." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. "Pwede po pala yon? Ngayon ko lang nalaman." T

