X A N D E R "Saan naman natin hahanapin 'yon? Kanina pa tayo paikot ikot dito ah." Sigaw 'ko habang nandito kami sa malaking kwarto. Nandito kami sa isang mansion, dito daw kasi nadetect ni Mel yung stone na hinahanap namin. "Maghanap ka na nga lang dyan. Kesa reklamo ka ng reklamo. Daig mo pa babae." Tae. Tinarayan nanaman ako ni Mel. Ilang oras na kami na nag iikot wala pa din naman kaming nakikita. Napatigil at nagkatinginan kami ng maramdaman namin ang mahinang pag galaw ng sahig. Ano 'to? "Woah." Magkasabay na nasabi namin ni Justine. Sa harapan namin, biglang nag iba ang right side ng napaka laking kwarto na 'to. Unti unting nagkaron ng tubig, hanggang sa naging parang mini ocean ito. Pero mas muk

