T H I R D P E R S O N Kasalukuyan na nagkakagulo ang buong Underworld counsil dahil sa kanilang narinig na balita kanina lang, kaya agad na pumunta ang isa sa kanila sa silid ng hari nila na kasalukuyan naman nagpapahinga sa kanyang kama. "Totoo ba ang balita na aming narinig mahal na hari?" Tanong ng isa sa mga may mataas na posisyon sa Counsil. Malamig na tinignan lamang sya ng tinatawag nyang hari at dahan dahan na tumayo sa kanyang pagkakahiga. "Oo Andro, totoo, dahil iyon ang nakasaad sa propesiya, kaya wala tayong magagawa." Marahan na umiling ang Matanda na nag ngangalang Andro. "Pero ang Prinsipe? Alam na po ba nya ito?" Ngumiti ang hari at tumango. "Alam na nya, simula palang nung una. Sya ang kauna unahang n

