LA-EIGHTEEN [Where it starts.] ---- AUDRIE "Naman kasi! Okay na nga ako! Oh tignan mo pa!" Sabi ko at tumalon talon pa sa harapan nya. "Shut up! Magpahinga ka nalang." Saway nya pa ulit sa pang anim na pagkakataon. Wala na akong nagawa nang tinulak ako ni Ali sa hospital bed, nasa clinic ulit ako, suki na talaga ko dito, kilala na nga ako ng mga nurse pero sya hindi ko naman kilala. Dinala nila ko dito, pagkatapos ko daw mahimatay. Pero hindi ko talaga maalala kung bakit ako nahimatay, okay naman ang pakiramdam ko, kaya hindi ko alam kung paano nangyari yon. Napatigil ako n

