LA-SEVEN [Where it starts.] AUDRIE "Oo na! Ang kulit mo po!" Nakakainis talaga ang lalaking to! Pauwi na kasi kami galing quantum Manor, at ang walanghiya, kanina pa ko inaasar. "Tignan mo yung ilong mo oh! Pwede nang mag steem ng shopao!" Kasunod ang napakalutong at tuwang tuwang tawa nya. Bwisit talaga. Tinignan ko sya ng masama "Please lang, tumahimik ka na Syl, iyon kung gusto mo pang mabuhay." tumahimik naman sya bigla. Pero nakikita ko parin sa gilid ng mata ko ang pag pipigil ng tawa. Tumigil na kami sa paglalakad ng nasa tapat na kami ng dorm for girls. "Sige. Pasok ka na." Sabi nya. Tumango na ko at pumasok. Pero tumigil din ako at tumingin s

