Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story Chapter 106: Wedding Day Mabilis na lumipas ang mga araw. Lagi pa rin talagang nagkakasakit si Stefan. Napagdesisyunan nilang i- move ang kasal sa Disyembre ng taong iyon. Tinapos na muna nila ang mga responsibilidad niya sa opisina para makabalik siya ng dayshift. Inabot din iyon ng ilang buwan. Mga bandang Agosto na nang makapagpaalam siya ng maayos sa kumpanya na maghahanda na siya sa kanilang kasal at magpapaiba na muna siya ng shift. Pumayag naman ang mga ito. Habang papalapit na ang buwan ng kanilang kasal ay lagi pa rin ang pagkakaroon niya ng ubo at sipon. Halos buwan- buwan din ang pagkakaroon niya ng lagnat kahit dayshift na siya. Hindi

