Chapter 35

1043 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story Chapter 35: Paubaya: Listen to your heart "f**k you." Bulong ni Stefan kay Andrei. Saka siya tumingala sa bangka. Nakadungaw lahat sa kanila. Hinanap niya sa mga tao si Hanz. "Hanz could you please help me." Agad naman siya nitong inalalayang makaakyat. Tinulungan naman ng ibang mga tao na makaahon si Andrei. Then it was a complete awkward moment. Hindi na natuloy ang pagtatapat sanang gagawin ni Andrei. Nanahimik nalang ito sa isang sulok. "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Hanz sa kanya. "Oo. Ayos lang ako. Don't worry about me. Thank you." Tugon niya. "I requested another boat. After dyan sa  first island lipat na tayo?" Tumango siya. "Gusto ko pa ring mag- enjoy kasama ka. Let's continue the island hopping in different boat nalang." "Yeah we'll do." Pagbaba sa unang isla ay kaagad na humiwalay sina Stefan at Hanz kay Andrei. Magkasunod pa silang tumalon sa pinakamataas na bahagi ng cliff diving location ng isla. Nawala lahat ng iniisip niya nang makatalon. Iba ang adrenalin na dulot ng heights at ang tubig dagat. Nakaabang pa sa kanya si Hanz. Yung feeling na may sasalo sa kanya kahit na anong mangyari sa gagawin niyang pagtalon. "Salamat sa pag- abang! Haha! Enjoy ito! Isa pa!" Anyaya niya rito. "Syempre naman sasaluhin kita! Tara!" Nang lumalangoy sila pabalik ay natanaw niya si Andrei na nakatingin sa kanila. Hindi maganda ang timpla ng mukha nito. Pero hindi na niya ito pinansin pa. Matapos nilang makatalon ng maka- tatlong beses ay nag- merienda na muna sila. May nagtitinda ng pakwan sa isla. "Wow ang sarap ng pakwan nila rito. Ang tamis!" Komento niya sa unang kagat sa pakwan na kagyat na naglawa sa kanyang bibig. "Kasing tamis ko?" Banat ni Hanz. "Luku- luko." Hindi na sana niya ito papatulan nang matanaw niyang papalapit sa kanila si Andrei. "But yeah. Kasing sweet mo. No bitterness at all." Matapos nilang kumain ay nag- cr na muna siya. Naiwan sa swing area si Hanz. Paglabas niya ay nakaabang si Andrei. "Excuse me." Ngunit hindi siya nito pinadaan. Nakipagtitigan lang siya rito. "Can we talk?" He asked. "Ano pa bang pag- uusapan natin Andrei? Hindi pa ba malinaw sayong ayoko na ngang makinig sa mga paliwanag mo? Ang hirap mo namang makaintindi eh." "Mahirap talaga. Tama ka naman eh. Marami akong issues sa buhay. Isa na don ang mahal na kita pero lumayo ako. Pinaasa kita at sinaktan. Duwag ako. Pero ayoko nang maging duwag Stefan. Kanina... sa bangka. Willing na akong ipagsigawan na mahal kita. Gusto ko ako ang sasalo sayo. Gusto ko ako ang kasama mong tumalon. Gusto ko ako yung kasama mong kumain. Nagseselos ako sa inyo ni Hanz." Then tears fell from his eyes. Halos madurog ang puso ni Stefan sa narinig at nang makitang umiiyak si Andrei. He was crying because of him. "A- ano bang pinagsasabi mo?" Nauutal niyang tanong. "I want to explain everything Stefan. And most especially I want to prove that I love you. Pero kung sasabihin mong si Hanz na nga ang gusto mo susuko na ako. Wala na akong magagawa kung hindi na ako o hindi ako ang gusto mo. Kaibigan ko rin si Hanz. Alam ko kung gaano siya kabuting tao. You deserve someone like him. Walang issues. Handa kang ipaglaban at ipagtanggol. He will surely love you. Yung love na deserve mo." Then he hold his hands. Hindi na siya pumalag pa. "So tell me that like him  then I'll stop. I'll stop loving you kahit na masakit." "Andrei.." sasagot palang sana siya rito nang dumating si Hanz. "Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Hanz. "Could you please leave us first Andrei? Mag- uusap muna kami ni Hanz." Pakiusap niya rito. Sumunod naman ito sa kanya. Binitawan nito ang kanyang mga kamay. Bago tuluyang umalis ay tinapik muna nito ang balikat ni Hanz. Pumunta sila sa mataas na bahagi ng isla. Doon kung saan tanaw nila ang malawak na karagatan. Langhap ang sariwang hangin. "Si Andrei pala yung tinutukoy mong nanakit sayo?" Tanong nito. "Oo. Siya 'yon." Matipid niyang tugon. "I heard everything. Hindi ko akalaing katulad natin si Andrei. Maybe tinago niya talaga. Dati pa naman siya maraming issues lalo na sa family niya, sa daddy niya." He uttered in soft voice while looking at the sea. He sighed. "I know. Magkaaway muna kami noong una kaming nagkita. Then we bacame friends. Really good friends. Alam ko may chance akong ma-fall sa kanya. Siya yung lalaking hinahanap ko. Unfortunately, straight siya. Then one night sa isang party, after naming malasing may nangyari sa amin. It was full of love. Hindi lang libog eh. Intense. Pero passionate. Umaasa akong something will blossom between the two of us. Pero ikinasal na siya. Iniwasan ako. Walang explanation." Kwento niya kay Hanz. Hindi niya namalayang pumapatak na pala ang luha sa kanyang mga mata. "Nandito ka para makalimot. Tama? Pero ang hirap di ba? Kasi mahal mo pa rin siya." Napatingin siya rito dahil sa mga sinabi nito. "Sundan mo na siya Stefan. Listen to his explanations. Pakinggan mo yang puso mo. Help him fix his issues. Ganon naman talaga sa relasyon di ba? Partnership din yun. Sa hirap at ginhawa." "Pero.." hindi na naman siya nito pinatapos. "Paano ako? Wag mo na akong isipin. Magkaibigan na rin naman tayo hindi ba? Okay na ako doon. I really like you Stefan. Pero hindi ko ipipilit ang sarili ko lalo pa't alam kong nauna kayong nagmahalan ni Andrei at mahal niyo pa rin ang isa't- isa. I want my friends to be happy. Makaka- move on kaagad ako. Wag kang mag- alala. Days palang naman tayo magkakilala. Mabuti nalang hindi pa ganon kalalim ang emotional investment natin sa isa't- isa." Napayakap nalang siya kay Hanz. "Thank you Hanz. Sorry din dahil medyo ginamit pa kita para pagselosin si Andrei. At thank you talaga sa lahat. Sa new friendship at sa masayang early accomodation na pinaramdam mo sa akin. I highly appreciate everything." "Wala na yun ano ka ba. Thank you. Sige na. Puntahan mo na siya." Saka siya umalis sa pagkakayakap dito at mabilis na tumakbo upang hanapin si Andrei.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD