Chapter 39

933 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story! Chapter 39: Alon: Sa Hagupit ng Panahon "Hindi ka naman takot sa tubig no? Noong nahulog ka kanina sa bangka hindi ka naman nagpanic eh. Tapos noong nasa isla tayo ilang beses kayong tumalon ni Hanz para pagselosin ako." Saad ni Andrei kay Stefan nang tumigil ang yate sa gitna ng karagatan. "Wow naman sa pagselosin ka no? Ang lakas na ng hangin lalo pang lumalakas. May bagyo ba? Kagigil ah!" Tugon niya. Bigla naman siya nitong hinalikan sa kanyang pisngi. Sa labis na pagkabigla ay nakaramdam siya ng init sa pisngi at nagliparan ang paru- paro sa kanyang tiyan. "A- ano yun? Bakit may pa- kiss? Hindi pa naman tayo di ba?" "Pati kiss bawal? Eh gusto kitang halikan eh. Nakita na natin ang lahat sa isa't - isa. Hindi na dapat bawal ang kiss." Akmang yayakapin naman siya nito pero lumayo siya. "Oo bawal! Ang kiss, yakap at s*x ay ginagawa lang ng magjo- jowa! Wag kang ano dyan!" "Grabe ang daming rules. Sagutin mo na kaya ako para magawa na natin ang mga 'yon." He teased. "Ang bastos mo! Matuto kang maghintay. Ganon ang love." "Matagal na akong naghintay na dumating ang isang ikaw Stefan. Dumating yung taong magpapa- realize sa akin kung sino ako at yung mga bagay na gusto ko. Ayoko nang maghintay ng matagal." Bigla na naman itong nagseryoso. Kaya ayun nanlambot na naman ang kanyang puso. "Konting hintay pa." Nakangiting tugon niya. "Ano nga palang gagawin natin sa gitna ng dagat?" Ikinabigla niya ang paghuhubad nito sa harap niya. Damit. Shorts. Hanggang sa brief nalang nito ang natira. May pabukol pa si mayor. Napalunok tuloy siya. From wholesome talks ay nauuwi talaga sila sa pangmalaswaang usapan. "A- anong ginagawa mo? Di ba kakasabi ko lang? Hintay pa. Tapos..." Napatigil siya dahil biglang lumapit ito sa kanya. Yung titig ni Andrei parang kakainin siya ng buhay. At walang ititira. "A- andrei stop. Wag namang ganyan oh. Baka may dumaan na bangka rito may makakita sa atin. Tsaka may kasama tayong kapitan nitong yate. Nakakahiya." "Excuse me. Kukunin ko ang life jacket at goggles sa likod mo. Lalangoy kasi tayo at titingnan ang corals at laman dagat ng Boracay. Dito raw kasi ang best part to do that. Grabe ka Stefan. Hindi kasing linaw ng dagat ang isipan mo huh?" Medyo pahiya siya roon. Natatawa nalang siya sa kanyang isipan. Dahan- dahan siyang tumabi para makuha nito ang mga kukunin. Naisip niyang gumanti. Siya naman ang naghubad ng damit at shorts. Nakuha naman niya kaagad ang atensyon nito. Tinitigan niya ito with so much seduction. May pakagat- labi pa siyang nalalaman. Saka siya lumakad palapit dito. "Oh oh!" Reaksyon nito nang hawakan niya ang dibdib nito pababa sa abs. "Akala ko ba S-stefan?" Kitang- kita niya ang pagtayo ng kahandaan nito sa loob ng brief ng lalaki. "Excuse me Andrei. Kukunin ko lang din yung life jacket  at goggles ko. Hahaha!" Saka siya humagalpak sa kakatawa. "Mas walang bahid ng linis ang utak mo Andrei! Hahaha! Tinigasan ka nga oh!" "Damn it!" Saka ito nagsuot ng life jacket. "Mauna na akong tumalon ah. Aabangan kita dun para maalalayan kita. Para alam ko rin ang tindi ng alon." Tumango lang siya. Saka niya pinagmasdan ang paligid. Napansin niyang sumasama ang panahon at lumalakas ang alon. "Parang hindi magandang ideyang tumalon ngayon. I think nagbago ang panahon. Umalis na kaya tayo. Let's go to other island to do other activities." Saad niya. "Ano ka ba hindi yan! Safe tayo Stefan. Trust me. Hindi naman kita pababayaan eh. Normal lang na ganyan ang alon ng dagat. Kumulimlim lang din." Pagpupumilit nito. "Pero Andrei parang uulan oh." "Don't worry akong bahala sayo. Tatalon na ako ah. I'll check the current. Kapag hindi talaga ayos aakyat din ako kaagad. Okay ba 'yon?" Ayaw talagang magpapigil nito. Kinabahan siyang bigla. Hindi maganda ang kanyang nararamdaman. "Andrei mag- ingat ka. Wag kang lalayo sa yate. Umakyat ka kaagad kapag tinatangay ka ng alon." Hinawakan pa niya ang pisngi nito. "Oo naman. Una akong tatalon dahil magmula ngayon gusto ko lagi nang may sasalo sayo." Saka nito hinagkan ng mabilis ang kanyang mga labi bago tuluyang tumalon. "Wooooh! Ang sarap!" Sigaw nito habang tinatangay ng alon. "Are you sure?" Paniniguro niya. "Yeah!" Nagsuot na siya ng life jacket para sundan ito. Kahit na kinakabahan ay ayaw naman niyang iwan nang mag- isa roon si Andrei. Akmang tatalon na siya nang dumating ang kapitan ng yate. "Sir wag na po kayong tumalon. May advisory na po kami sa coast guards na lumayo na muna sa dagat. Sumasama po kasi ang panahon. Hindi na po ligtas kung nasa dagat pa kayo." Saad ng kapitan. Halos manigas siya sa kinatatayuan pero sa kabila ng takot ay agad niyang dinungaw sa baba si Andrei. "W- wag ka nang bumaba! Ang lakas ng alon!" Sigaw nito habang hinahampas ng alon. Lulubog- lilitaw na ito. Kahit may life jacket ay halatang hindi nito nakokontrol ang sarili sa tubig. Baka anurin o malunod na ito. "Kap tulungan po natin si Andrei! Hindi siya makakapit paakyat dahil sa alon!" Hinarap niya ang kapitan. "Sandali lang po sir!" "Anong sandali lang? He needs help!" Saka hindi na siya nag- isip pa. Tumalon na siya upang tulungan ito. "B- bakit ka tumalon?! Ang lakas ng alon oh!" Saad nito. "Gago ka ba? Syempre tutulungan kita! Hindi kita pababayaan!" Saka ito nawalan ng malay dahilan upang mas mahirapan siyang sagipin ito habang hinahampas sila ng alon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD