Chapter 92: Perfectly Fine Imbes na magbunyi sa nangyari sa ama ay nagtungo nalang si Andrei sa mansion nila Rhian upang damayan ito. Ngunit laking gulat niya nang may isinasakay na naman sa ambulansya. Nakatakip na iyon ng kumot. "S- sino 'yun?" Tanong niya sa sarili saka bumaba ng sasakyan.. Nakita niyang lumabas ng gate si Rhian habang lumuluha. Kaagad niya itong nilapitan. "Rhian. Condolence." Saka niya ito inakbayan at tinapik sa balikat. "Ngayon lang nakuha ang bangkay ng daddy mo? Parang kanina ko pa nakita sa news na dinala na siya sa morgue." "Hindi si daddy 'yon." Malamyang tugon nito. "S- sino?" Tanong niya. "That was mom." Saka na ito humagulgol at napadukdok nalang sa kanyang dibdib. "Iniwan na rin ako ni mommy. Nagpakamatay siya." "Tahan na. Tahan na. Nandito lang

