Chapter 81: A Friend's Life "Chester anong kababuyan 'to?" Iritang tanong ni Stefan sa kaibigan. Nabitawan nalang niya ang mga dala sa sahig at saka napahawak sa kanyang noo habang umiiling. Sa likod ng sofa ay nagbihis naman ito habang nakikipagtitigan sa kasamang si Gun. Hinarap niya tuloy ang kasamang Thai. "Gun I take it from here. Thank you for helping me. See you." Saad niya rito. "O- okay. Bye. It's nice to finally meet you." Humarap pa ito kina Chester at sa kasama nito habang nagbibihis. "Bye everyone!" "Bye cutie!" Sigaw pa ng kanyang kaibigan. Saktong tapos na itong magbihis. "You go ahead too. We will continue it some other time." Pinaalis na rin nito ang lalaking kasiping nito. Dire- diretso iyong umalis at hindi na nagpaalam sa kanya marahil dahil sa labis na hiya. "So

