Chapter 64: Andrei's Realization "No no no no! Hindi ako iiwan ni Stefan! Hindi niya 'yun magagawa sa akin." Umiiyak na tugon ni Amdrei kay Aleya sa sinabi nitong iniwan na siya ng iniibig. "Sa ugaling pinapakita mo ngayon kuya hindi imposibleng iwan ka. Baka hindi na kayang i- handle ni Stefan ang ugali mo. Okay lang sana 'yung pagiging mainitin ng ulo mo eh. Pero 'yung pagiging moody mo at mabilis mawala sa katinuan after a challenging point in your life. May mali na sayo kuya mentally and emotionally. Para kang bata na dapat akayin pa para makatayong muli." Bawat salitang lumabas sa bibig ng bunsong kapatid ay parang pana na may lason na dumurog at pumatay sa kanyang puso. "Kung ako nga rin si Stefan iiwan talaga kita kuya." Dugtong pa nito. Dagling uminit ang kanyang ulo sa pahab

