Chapter 74: First Try Napanuod ni Stefan sa tv ang press conference ng Ace Supermarket Inc. Sobrang saya niya at sobrang proud niya para kay Andrei. "Ma ang gwapo naman ni Andrei dyan." Komento niya. "Totoo nak. Iba no? Sobrang hot. Bagay na bagay niya 'yung formal na suot. Ang lakas ng dating. The fact na young CEO siya grabe ibang klase." Tugon ng kanyang ina. Napatitig siya rito. "Ma 'yun mismo ang lahat ng nasa isip ko. Ano na- fall na rin kay Andrei?" "Ako 'yung mama mo malamang nabasa ko ang nasa isip mo. Kung kayang tunawin ng pagkakatitig mo kay Andrei sa tv ay malamang natunaw na yang screen ng tv." "Grabe siya. Pero ang badass ng announcement niya no? Sa tingin mo yung pag- pull out nila ng Ace Supermarket ang revenge nila sa Segundo na 'yun?" Muli niyang ibinalik ang pan

