Chapter 84: The Fall "Hazel anong balita?" Kagyat na tanong ni Andrei kay Hazel pagdating niya sa coffee shop kung saan sila nag- meet. "Nakuha ko na ang symbols at signs ng hackers." Tugon nito. "Anong nakuha mong signs nila?" Hinarap nito ang laptop na dala sa kanya. "Look at this. Sa dulo ng bawat code nila ay mayroong salitang ACE." "A- anong ibig sabihin non?" Kunot noo niyang tanong. "Sikat na hackers ang ACE. Trabaho talaga nilang mang- hack. Ginagawa nila ang pangha- hack para sa pera. Sila ang pinaka- expert na hackers sa Pilipinas. Walang nakakaalam kung sino sila at kung nasaan sila. Halos oras- oras ay nagpapalit sila ng IP address kaya walang nakaka- trace sa location nila." Nakipagtitigan ito sa kanya. "Mukhang imposible nang makuha ulit natin ang files ni Segundo. H

