Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story Chapter 23: Meet the Mother: Simbahan at Hapunan "Kayong dalawa! Ano maghahawakan nalang ng kamay? Tara na! Male- late na tayo sa misa." Sigaw ng kanyang ina sa kanila ni Andrei. Pagharap niya sa ina ay pabirong pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Heto na ma." "Maglalakad lang tayo huh Andrei? Sa kabilang kanto lang kasi ang chapel dito sa amin." Paglabas ng bahay ay sina Andrei na at ang kanyang mama ang magkasabay na naglalakad. Pinapakinggan niya lang ang dalawa. Nagmamasid. Baka kung anong masabi ng ina sa lalaki. "Wala pong problema tita. Exercise po yan." Tugon ni Andrei. "Naku mukha ka nga ring pala- exercise na lalaki. Ang ganda ng katawa

